Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Babae sa Proverbs: Karunungan, Kaugalian, at Pagiging PabulosaHalimbawa

Proverbial Girl: Wisdom, Values, and Being Fabulous

ARAW 6 NG 7

ANONG SABI?

Ang Babae sa Proverbs ay hindi nagbabago at hindi sumusuko.

KABUUAN: Isa sa pinaka-malaking hamon sa akin ay ang mag-umpisa ng isang bagay at hindi ito matapos. Bawat taon ay magiging "ANG TAON" ko na magikakaron ng hubog at mababawasan ang timbang, HINDI MULI kakain ng karne, o tutugtog ng gitara ng 30 minutos kada araw. Lahat tayo ay may magandang layunin kapag nag-uumpisa tayo, ngunit ang tunay na hamon at dumadating kapag kailangan na natin maging matibay sa pag-papanatili sa kung anong naumpisahan natin. Nagumpisa akong matutong tumugtog ng gitara matapos ako hikayatin ng isang guro. Iminungkahi niya na makakadagdag ito sa aking pagkanta at pagsusulat, lahat habang nagiging mas lalo akong mahusay na artista. Ang layunin ko ay maging mahusay na manunugtog sa loob ng isang taon, at alam ko na ang tanging daan para makamit ko ang layunin ay magkaroon ng paninindigan.

Ang susi sa pagkakaroon ng paninindigan ay magplano ng maaga, pagbibilang ng magagastos (ano ang pinapasok ko at ano ang kaya kong isakripisyo), maging determinado at magkaron ng dakilang taga-suporta na makakatulong sa'yo. Kalaunan, kahit na pa ang masakit kong mga daliri ay hindi na mahadlangan sa pagkamit ng aking layunin. Halos isang taon din ng makamit ko ang aking layunin, at nagawa kong tumugtog ng aking gitara (na pinangalanan kong "Ella") sa isa kasal.

"Kusa siyang gumagawa gamit ang kanyang mga kamay." May dalawang bagay na hindi takot gawin ang Babae sa Proverbs: magtrabaho ng maigi at maging magkaron ng panininddigan. Kapag meron kang layunin at pinaniniwalaan mo ang layunin ng 'yon, ang mga aksyon mo na pagtrabahuan ng maigi ang bagay na ito ay laging magdudulot sa iyo ng tagumpay. Alam din ng Babae sa Proverbs kung gaano kaimportante ang palibutan siya ng mga tao na maghihikayat sa kanya at gugustuhin na makita siyang magtagumpay sa buhay. Dahil dito, naging matagumpay na vegetarian ako sa halos mag-iisang taon na, at tumutugtog ako ng gitara kapag may okasyon sa iba't ibang lugar.

Laging tandaan, ang Babae sa Proverbs ay handa sa mga hamon na magkaron ng paninindigan sa lahat ng parte ng kanyang buhay dahil ang pagkakaroon ng paninindigan ay nakakatulong sa kanya na makamit ang kanyang mga layunin.

KAMUSTA PANGINOON, AKO ITO!
Naghahangad ako ng tagumapay sa buhay at alam ko na nangangailangan ito ng pagsang-ayon at paninindigan. Pinasasalamatan kita dahil alam ko na ang lahat ng magandang bagay ay nag-uumpisa at nagtatapos sa Iyo. Salamat sa pag-uumpisa sa mga dakilang ideya. Tulungan mo ako na magawa ang aking mga parte sa pagkakaroon ng disiplina at magtiwala sa iyo na gawin ang mga bagay na ikaw lamang ang makakagawa. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

ISABUHAY ITO:
Kaya, maging makatotohanan tayo! Ano ang mga lagi mong nauudlot gawin? Gumawa ng bagong deadline. Hatiin ang mga gawain sa mga numero ng araw na meron ka bago ang iyong deadline. Kumausap ng mapagkakatiwalaan na kaibigan na tingnan ang iyong proseso. Ngayon ay magumpisa ka nang gumawa! Naghihintay ang tagumpay.

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Proverbial Girl: Wisdom, Values, and Being Fabulous

Ang Matalinghagang Babae ay puno ng nakatutuwa, nakapagbibigay inspirasyon at hamon na mga kuwentong idinisenyo upang turuan ang mga kadalagahan kung paano humayo kagaya ng isang Matalinghagang Babae NGAYON! Ginawa ito sa pamamagitan ng mga karunungang ibinigay mula sa Mga Kawikaan 31. Ang may akda na si Lisa McClendon-Brailsford ang iyong “Nakatatandang Ate” para sa susunod na 7 araw. Hindi ka nag-iisa. May nananalangin para sa iyo at pumapalakpak para sa iyo sa pagbabasa mo ng aklat na ito. Para sa kabuuang edisyon, maaaring bisitahin ang afterthemusicstops.org.

More

Nais namin pasalamatan ang After The Music Stops, LLC sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://store.afterthemusicstops.org/