Ang Babae sa Proverbs: Karunungan, Kaugalian, at Pagiging PabulosaHalimbawa
ANONG SABI?
Siya ay magiging 5-star na kaibigan sa lahat ng oras.
KABUUAN: Isipin mo na magpa-reserba ng gabi sa isang mamahaling hotel. Sobra kang masasabik. Makikita mo ang lahat ng kagandahan nito habang inililista ka ng front desk. Hindi ka na makakapag-hintay na makapasok sa iyong pribadong kwarto, pero nang dumating ka ay binati ka ng kaguluhan. Ang kwarto ay para bang hindi nilinisan, ang sahig sa banyo ay malagkit at kung titignan ang shower ay para bang ginamit ng lahat ng nasa hotel. Nagtataka ka dahil ang hotel ay naka-tanggap ng 5-bituing marka, ngunit sa kung ano ang iyong nararanasan ay pang 2-bituing sakuna!
Nagkakaroon din tayo ng kaibigan sa parehong paraan kapag tayo ay nag-tse "check-in" sa kung saang pinaniniwalaan nating magiging perpektong pagkakaibigan, para lamang sa humantong ito sa isang bangungot. Nagsinungaling siya sa iyo. Pinagtaksilan ka niya. Binigo ka niya. Harapin natin ito, wala sa atin ang naging perpektong kaibigan, at ang tanging pagkakaibigan na masisigurado mong kalidad ay ang iyong sarili.
Sinabi sa atin sa John 15:15 na tinawag tayong kaibigan ni Jesus. Isipin mo yun! Kasing dalas na hindi tayo maaasahan, hindi mahuhulaan at minsan hindi tapat sa Kanya, tinawag parin Niya tayong kaibigan. Tinawag Niya tayong kaibigan dahil sa katapatan Niya sa atin, hindi kinakailangang tayo sa Kanya. Mahal Niya tayo at ang pag-mamahal at ang pagmamahal ang nag-aayos sa pagkukulang ng ibang tao.
"Gagawan niya siya ng maganda at hindi masama sa buong buhay niya." Kawili-wili kung paano ang proverb ay tinukoy ang katapatan ng babae hindi ng lalake. Parang hindi patas, ano? Ang pagiging 5-star na kaibigan ay hindi nababatay sa kung ano ang iyong panlabas na katauhan, pero kung ano ka sa pangkalooban. Ang Babae sa Proverbs ay isang mabuting kaibigan na alam ang kahinaan at kalakasan ng kanyang mga kaibigan. Kapag nakikita niya ang kanyang mga kaibigan ay nagkakaron ng problema sa pagiging tapat, katapatan o maaasahan, kaya niyang maglagay ng limitasyon base sa kung ano lang ang kaya ng kanyang kaibigan dahil isa siyang 5-star na kaibigan.
KAMUSTA PANGINOON, AKO ITO!
Hindi madaling maging mabuting kaibigan sa isang tao na hindi mabuting kaibgan sa'yo. Tulungan mo ako na magkaron ng hangganan sa mga relasyon. Turuan mo ako kung kailan dapat magbigay pa o kailan dapat umatras. Paalalahanan mo ako na ipanalangin ang aking mga kaibigan at mahalin sila tulad ng pagmamahal mo sa akin, walang pasubali. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
ISABUHAY ITO:
Kilalanin ang kaibigan na medyo magaspang ang pakikitungo. Tanungin siya kung paano mo siya maipapanalangin, at ipangakong gagawin ito palagi.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Matalinghagang Babae ay puno ng nakatutuwa, nakapagbibigay inspirasyon at hamon na mga kuwentong idinisenyo upang turuan ang mga kadalagahan kung paano humayo kagaya ng isang Matalinghagang Babae NGAYON! Ginawa ito sa pamamagitan ng mga karunungang ibinigay mula sa Mga Kawikaan 31. Ang may akda na si Lisa McClendon-Brailsford ang iyong “Nakatatandang Ate” para sa susunod na 7 araw. Hindi ka nag-iisa. May nananalangin para sa iyo at pumapalakpak para sa iyo sa pagbabasa mo ng aklat na ito. Para sa kabuuang edisyon, maaaring bisitahin ang afterthemusicstops.org.
More
Nais namin pasalamatan ang After The Music Stops, LLC sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://store.afterthemusicstops.org/