Habits o Mga GawiHalimbawa
Trust the God-process o Magtiwala sa Proseso ng Diyos
Karamihan ng ating pinag-uusapan ay patungkol sa mga gawi, ngunit ano nga ba ito, talaga? Batay sa ating natutunan sa mga huling araw, ang mga gawi at nabubuo kapag palagi mong natutugunan ang isang mahalagang pangangailangan ng isang napiling pag-uugali. Ang mga gawi ay may posibilidad na makakuha ng isang negatibong reputasyon, ngunit ang mga ito ay isang proseso na nilikha ng Diyos. Tawagin natin ang mga ito na proseso ng Diyos. Ito ay nagdadala sa atin sa susunod na titik: trust the God-process o magtiwala sa proseso ng Diyos.
Ang tunay na ritmo ng kuwento ng paglikha ng Diyos sa Genesis ay puno ng magandang pang-araw-araw na mga gawi. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikita natin na ginagamit ng Diyos ang mga proseso upang lumikha ng bago, mahusay, at mabuti. Pamilyar ba? Ang Diyos ay patuloy sa Kanyang mga gawi! Sa isang kuwentong ito, inilarawan ng Diyos ang mga gawi ng kahusayan, pagtitiyaga, paghingi ng tulong sa iba (pinangalanan ni Adan ang mga hayop, sinabi ng Diyos na hindi mabuti para sa tao na mag-isa at nilikha si Eva), huminto upang ipagdiwang ang iyong nagawa (nakita ng Diyos na ang Kanyang mga ginawa ay mabuti sa bawat araw), at paglalaan ng isang araw bawat linggo upang magpahinga. Habang binabasa mo ang Biblia, patuloy na maghanap ng mabuting mga gawi, o mga proseso ng Diyos, sa lahat ng dako, at malalaman mo na ito ay isang regalo mula sa Diyos.
Dapat tayong magtiwala sa Diyos at magtiwala na ang Diyos ay nasa proseso. Gumagawa Siya ng bago at maganda sa iyong buhay habang natutuklasan mo ang healthy identity o mabuting pagkakakilanlan sa sarili, ask for help o paghingi ng tulong, be kind to yourself o maging mabuti sa iyong sarili, investigate o magsiyasat, at trust Hi process o magtiwala sa Kanyang proseso. Ang mga proseso tulad ng paghubog ng mabuting pang-araw-araw na mga gawi ay hindi isang bagay na ginagamit natin upang maiwasan ang pagtitiwala sa tulong ng Diyos—mayroong proseso dahil na rin sa Kanyang tulong. Kapag nagtitiwala tayo sa Diyos sa mga pang-araw-araw na mga gawain, ito ay nagiging mga proseso ng Diyos. Sa kabilang dako, kapag walang tulong mula sa Diyos, ang lahat ng ating pagsisikap ay maaaring maging isang proyekto para sa kaligtasan ng sarili. Ang ganitong uri ng pag-uugali na gawin-mo-nang-walang-Diyos ay siya ring nagdala sa atin sa kaguluhan!
Manalangin: Diyos Ama, nagpapasalamat ako sa Iyong tulong para sa mga nakagawiang pamamaraan at mga gawi na inilalagay Mo sa aking buhay. Hindi ko magagawa ito kung wala ang Iyong lakas, kapayapaan, at biyaya. Tulungan Mo akong magpatuloy na magtiwala sa Iyo araw-araw. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagbabago ay hindi madali, ngunit hindi ito imposible. Ang pagsisimula ng ilang maliliit na gawi ay maaaring makapagpabago kung paano mo nakikita ang iyong sarili ngayon at ibahin ang pananaw mo sa taong gusto mong maging ikaw sa hinaharap. Ang Life.Church Bible Plan ay gumagalaw sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan na may isang simpleng acronym para sa paggawa ng magandang pang araw-araw na mga gawi na talagang mabisa.
More