Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Habits o Mga GawiHalimbawa

Habits

ARAW 3 NG 6

Be Kind to Yourself o Maging Mabuti sa Iyong Sarili

Ang araw na nagpasya ka na maging seryoso patungkol sa paggawa ng mabuting pang-araw-araw na mga gawi ay ang araw na lumabas ka mula sa "pook ng pagiging perpekto." Ito ang nagdadala ng titik para sa araw na ito: be kind to yourself o maging mabuti sa iyong sarili. Sa araw na ikaw ay nabigo na gampanan ang iyong bagong mga gawi, maging mabuti sa iyong sarili. 

Huwag magpadala sa negatibong pagsasalita sa sarili at pagkamuhi sa sarili. Kumapit sa katotohanan ng Diyos at sa mabuting pagkakakilanlan na ipinapanumbalik Niya sa iyo. Gamitin ito bilang isang pagkakataon upang matuklasan ang mas malalim at mas malaking suliranin. Gumugol ng mas maraming oras upang pagnilay-nilayan ang iyong healthy identity o mabuting pagkakakilanlan at asking help o paghingi ng tulong sa mga taong pinagkakatiwalaan. 

Marahil ikaw ay bumalik sa dating mga gawi. Marahil ay hindi. Alinman dito ang nangyari, dumulog sa Diyos, at marahil sa ilang mga tao, para sa kapatawaran. Pagkatapos, gamitin ito bilang isang pagkakataon para sa paglago, para sa mas malalim na kagalingan, at pagkakataon upang mapalakas ang mabuting pang-araw-araw na mga gawi na kayang harapin ang lahat ng uri ng problema. Tulad ng kapag nagkakaroon ka ng isang karamdaman at ang iyong resistensya ay lumalakas, gayun din, ito ay isang pagkakataon para lumago at lumakas ang katangiang pagpipigil sa sarili na ibinigay ng Diyos sa iyo.

Ang utos ni Jesus sa atin ay ibigin ang Diyos nang lubos at mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Ang mga ito ay tinutukoy bilang dalawang pinakadakilang utos. Ngunit ang katotohanan, may pangatlong utos na nakalakip doon. Upang mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili, kailangan mong mahalin ang iyong sarili! Kaya, kahit dahil iniutos lamang ito ni Jesus, maging mabuti sa iyong sarili kapag nagkamali at bumalik sa dating mga gawi. Huwag kang susuko. Huwag parusahan ang iyong sarili. Bumangon ka lang, tumingin sa langit, humingi ng kapatawaran, at subukang muli!

Panalangin: Diyos Ama, salamat po sa Iyong pag-ibig na nagbibigay sa akin ng lakas upang itama ang aking mga gawi at Iyong biyaya tuwing ako ay nagkakamali. Kailangan ko po ang Iyong tulong, at ako po ay nagtitiwala na kasa-kasama Kita kahit na ako ay nagkamali sa aking mga gawi. Amen. 

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Habits

Ang pagbabago ay hindi madali, ngunit hindi ito imposible. Ang pagsisimula ng ilang maliliit na gawi ay maaaring makapagpabago kung paano mo nakikita ang iyong sarili ngayon at ibahin ang pananaw mo sa taong gusto mong maging ikaw sa hinaharap. Ang Life.Church Bible Plan ay gumagalaw sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan na may isang simpleng acronym para sa paggawa ng magandang pang araw-araw na mga gawi na talagang mabisa.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta sa: https://www.life.church/