Habits o Mga GawiHalimbawa
Healthy Identity o Mabuting Pagkakilanlan
Gustung-gusto natin ang lahat ng magagandang pang- araw-araw na mga gawi. Ngunit sa halip ay ginagawa natin ang mga bagay na tulad ng pagtulog nang mas matagal, pagtatrabaho ng lampas sa oras, umuwi nang gabi na, sigawan ang mga bata, kumain o uminom ng "isa pa," at tingnan ang ating email sa kama.
Kaya, paano natin masisimulan ang pagputol ng masasamang gawi at simulan ang paggawa ng magagandang gawi? Wala bang isang simpleng tatlong-hakbang na plano na magpapalaya sa akin? Maaaring wala. Ngunit may pag-asa, at maraming halimbawa ang Salita ng Diyos.
Si Craig Groeschel, ang pastor ng Life.Church, ay nagsasabing isa sa mga pinakamalaking kadahilanan kung bakit ang mga tao ay nabibigong mapanatili ang magagandang gawi at ihinto ang mga masasama ay dahil pinipinsala ng magulong pagkakakilanlan natin ang ating tagumpay. Dito natin makikita ang unang letra sa ating acronym na HABITS na siya nating gagamitin upang tuklasin ang isang mas mahusay na paraan upang gumawa at itigil ang mga gawi natin: healthy identity o mabuting pagkakakilanlan.
Madalas kapag handa na tayong magsimula ng bago o ihinto ang isang masamang ugali, gumagawa tayo ng isang plano batay sa kung ano ang gagawin natin. Sa halip kailangan nating magsimula sa mga layunin batay sa kung sino ang ating Diyos at sino ang nais nating maging tayo. Ang sinasabi nating, "Tatakbo ako ng isang marathon," ay batay sa kung ano ang gusto mong gawin. Ang pagsasabing, "Ako ay nilikha sa isang kagila-gilalas at kamangha-manghang paraan, at sa pamamagitan ng lakas ng Diyos nais kong maging isang mananakbo," ay batay sa kung sino ang Diyos at kung sino ang nais mong maging. Ito ay isang layunin batay sa pagkakakilanlan. Kailangan nating ilagay ang sino bago angpaggawa.
Ang mga layunin ng pagkakakilanlan ay isang aspeto ng pagtuklas ng isang mabuting pagkakakilanlan. Ang kasunod na kalayaang maaari mong makuha ay sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa mga sakit na naranasan sa nakaraan, kasinungalingang iyong pinaniniwalaan, hindi pagpapatawad, pagkakamali, at mga sitwasyon sa buhay na maaaring nagdala sa iyo upang maniwala sa isang bersyon ng iyong sarili na maaaring hindi naaangkop sa pagkakagawa ng Diyos sa iyo. Habang natutuklasan mo ang mga kasinungalingan, nanaisin mong palitan ang mga ito ng mga katotohanan ng Diyos mula sa Kanyang Salita. Ang isang mabuting pagkakakilanlan batay sa sinasabi ng Diyos tungkol sa iyo ay ang pundasyon upang maihinto ang masasamang gawi at makapagsimula ng mga mabubuti.Halimbawa, marami sa atin ang naniniwala sa isang kasinungalingan na tulad ng, "Ganito na lamang ako lagi." Iyan ay isang takot na batay sa pagkakakilanlan na nangangailangan ng katotohanan na nakabatay sa pagkakakilanlan tulad ng, "Ang Espiritu ng Diyos ay hindi nagbigay ng takot sa akin. Ibinigay Niya sa akin ang kapangyarihan, pag-ibig, at pagpipigil sa sarili!" Ano ang ilan sa iyong mga kasinungalingang nakabatay sa pagkakakilanlan na maaari mong palitan ng katotohanan ng Diyos?
Manalangin: Diyos ko, ano ang mga gawi na kailangan kong ihinto? Ano ang ilang mas malalim na bahagi ng aking pagkakakilanlan na maaaring humantong sa mga kaisipang ganito? Espiritu Santo, kailangan ko ang Iyong kapangyarihan upang gawin ang mga pagbabagong ito. Amen!
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagbabago ay hindi madali, ngunit hindi ito imposible. Ang pagsisimula ng ilang maliliit na gawi ay maaaring makapagpabago kung paano mo nakikita ang iyong sarili ngayon at ibahin ang pananaw mo sa taong gusto mong maging ikaw sa hinaharap. Ang Life.Church Bible Plan ay gumagalaw sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan na may isang simpleng acronym para sa paggawa ng magandang pang araw-araw na mga gawi na talagang mabisa.
More