Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paggamit ng Iyong Oras para sa DiyosHalimbawa

Using Your Time for God

ARAW 3 NG 4

"Ang Pagsupil sa Orasan"

May natutunan akong ilang lihim upang matulungan akong masupil ang oras. Maaaring makatulong ito sa iyo.

Napagtanto kong ang lahat ng oras ko ay oras ng Panginoon at ang lahat ng oras ko ay oras na itinalaga Niya para sa akin. Ako at ang aking oras ay pagmamay-ari ng Diyos. Ngunit, binigyan Niya ako ng sukat na panahon kung saan ako ang Kanyang tagapamahala. Maaari kong italaga ang oras na iyon upang gumawa para sa ibang tao, bumisita sa ibang tao, atbp, ngunit ito ay oras na kailangang bigyan ko ng paliwanag sa Kanya.

Maaaring matubos ang panahon sa pamamagitan ng tamang pag-iisip at pokus. Isa sa mga pinakamalalaking pagsasayang ng oras ay nangyayari sa isipan ng tao. Maaaring abala ang ating mga kamay ngunit ang ating isipan ay walang ginagawa. Ganun din naman, ang ating mga kamay ay maaaring walang ginagawa ngunit ang ating isip ay lubhang abala. Ang pangangarap ng gising, ang pagpapalipad ng kaisipan at ang pagpantasya ng mga walang kabuluhang bagay ay ang mga paraan kung paanong ang ating mga isipan ay maaaring maaksaya sa totoong oras. Ang maituon natin ang ating isipan sa kinakailangang gawin—gamit ang matindi at matamang pag-iisip—ang makapagbibigay ng kapaki-pakinabang na paggamit ng ating oras.

Maaaring mabawi ng isipan ang napakahalagang oras na nakukuha ng mga pangkaraniwan o mekanikal na gawain. Halimbawa, ang paliligo ay hindi naman gaanong mahirap. Sa ganitong tagpo, ang ating isipan ay malayang magagamit sa pag-iisip ng kalutasan ng mga problema, malikhaing pag-iisip, o paglikha ng mga tema. Marami sa aking mga mensahe at mga sermon ay sumibol habang ako'y naliligo. Noong ako'y madalas maglaro ng golf, natuklasan kong ang mga oras na naghihintay ako sa susunod na tira ko ay magandang pagkakataon sa paglikha ng mga mensahe sa aking isipan.

Coram deo: Mamuhay sa harapan ng Diyos

Magkaroon ka ng kamalayan kung saan mo itinutuon ang iyong isipan ngayon. Sikapin mong mabawi ang mahahalagang oras na nauubos ng mga pangkaraniwan at mga gawaing paulit-ulit sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga bagay na pang walang hanggan.

Karapatang maglathala ©Ligonier Ministries. Kumuha ng libreng aklat mula kay R.C. Sproul sa Ligonier.org/freesource.
Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Using Your Time for God

4-Araw na debosyonal mula kay R.C. Sproul sa paggugol ng iyong oras para sa Diyos. Ang bawat debosyonal ay isang pagtawag sa bawat isa na mamuhay sa presensya ng Diyos, sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, para sa kaluwalhatian ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Ligonier Ministries sa pagbibigay ng babasahing ito. Para sa higit pang impormasyon, pumunta sa Ligonier.org/freeresource