Paggamit ng Iyong Oras para sa DiyosHalimbawa
"Ang Paggugol ng Iyong Oras na may Pakinabang"
Noong ako'y bata pa at nag-aaral sa elementarya, madalas akong tanungin, "Ano ang iyong paboritong subject?" Walang paltos ang aking tugon ay isa lamang sa dalawang bagay. Ito ay "recess" o "gym". Ang aking sagot ay nagpapakita ng aking pinakamalalim na kagustuhan. Mas gusto ko ang paglalaro kaysa pagtatrabaho. Sa katunayan, ang paglago ng aking mga pagninilay-nilay tungkol sa mga bagay-bagay at sa katanungang "Bakit?" ay nagaganap habang ako'y naglalakad papasok ng paaralan, naglalaro't nagkukunwaring sirkero na naglalakad sa high-wire.
Palagi kong tinatanong ang aking sarili kung ano ang kahulugan ng buhay, kung saan limang araw kong ginagawa ang mga bagay na hindi ko gusto para makapaglaro ng Sabado't Linggo. Palagi akong nasa palaruan ng paaralan isang oras bago magsimula ang pasok—hindi dahil gusto kong mauna sa pag-aaral, ngunit para lang "matubos" ang buong araw ng pag-aaral ng isang oras ng paglalaro bago ang simula ng kampanilya. Sa aking pananaw, ang pagtubos ng oras ay ang pagkuha ng ilang minuto ng paglalaro mula sa kinakailangang oras ng pagtatrabaho.
Aking nabatid mula sa payo ni apostol Pablo sa kanyang mambabasa na "[samantalahin] ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon" (Eph. 5:16), hindi niya tinutukoy kung ano ang aking ginagawa. Ang kanyang taimtim na tawag sa wastong paggamit ng oras ay ukol sa gawain para sa kaharian ni Cristo.
Coram deo: Ang pamumuhay sa harapan ng Diyos
Ginagamit mo ba ang iyong oras ng may kabuluhan para sa kaharian ng Diyos?
Karapatang maglathala © Ligonier Ministries. Kumuha ng libreng aklat mula kay R.C. Sproul sa Ligonier.org/freeresource

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
4-Araw na debosyonal mula kay R.C. Sproul sa paggugol ng iyong oras para sa Diyos. Ang bawat debosyonal ay isang pagtawag sa bawat isa na mamuhay sa presensya ng Diyos, sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, para sa kaluwalhatian ng Diyos.
More
Nais naming pasalamatan ang Ligonier Ministries sa pagbibigay ng babasahing ito. Para sa higit pang impormasyon, pumunta sa Ligonier.org/freeresource