Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paggamit ng Iyong Oras para sa DiyosHalimbawa

Using Your Time for God

ARAW 2 NG 4

"Samantalahin ang Iyong Oras"

Ang oras ay mainam na tagapagpatas. Ito ang isang bagay na nakabahagi sa lahat ng pantay-pantay. Lahat ng tao ay binigyan ng pare-parehong bilang ng oras upang gamitin sa isang araw. Ang mga taong maraming pinagkakaabalahan ay hindi naman binigyan ng karagdagang oras sa isang araw. Ang orasan ay walang kinikilingang sinuman.

Lahat tayo ay may pare-parehong bilang ng oras araw-araw. Tayo ay nagkakaiba lamang kung paano natin sasamantalahin ang oras na ibinigay sa atin. Kapag ang isang bagay ay tinubos, ito ay nailigtas o nabili mula sa isang di kanais-nais na kundisyon. Ang hindi kaaya-ayang kundisyon na alam natin ay ang pag-aksaya. Ang pag-aaksaya ng oras ay ang paggamit nito sa mga bagay na maliit o walang kabuluhan.

Tulad ng sinabi ng yumaong si Vince Lombardi, "Hindi ako natalo sa anumang laro; naubusan lamang ako ng oras." Ito ay nagpapaalaala sa akin sa pinaka-dramatikong elemento ng paglalaro—ang pakikipag-unahan sa orasan. Ang koponang mas mabisa sa loob ng ibinigay na oras ang mananalo sa paligsahan. At siyempre sa paligsahan, hindi katulad sa tunay na buhay, mayroong probisyon sa pagtawag ng timeout. Ang orasan sa isang paligsahan ay maaaring pahintuin ng panandalian. Ngunit sa tunay na buhay, walang timeout.

Coram deo: Ang pamumuhay sa harapan ng Diyos

Hilingin sa Diyos na ipakita kung paano mo maiwawasto ang panahong ginugugol sa mga bagay na maliit o walang kabuluhan.

Karapatang Maglathala © Ligonier Ministries. Kumuha ng libreng aklat mula kay R.C. Sproul sa Ligonier.org/freeresource
Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Using Your Time for God

4-Araw na debosyonal mula kay R.C. Sproul sa paggugol ng iyong oras para sa Diyos. Ang bawat debosyonal ay isang pagtawag sa bawat isa na mamuhay sa presensya ng Diyos, sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, para sa kaluwalhatian ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Ligonier Ministries sa pagbibigay ng babasahing ito. Para sa higit pang impormasyon, pumunta sa Ligonier.org/freeresource