Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa

Advent: The Journey to Christmas

ARAW 2 NG 25

Nakapanggigilalas na "Himala sa Kapaskuhan"!

Matapos ibigay ng Diyos ang pangako ng isang Tagapagligtas, nagsimula Siyang magpahayag ng mga partikular na katotohanan patungkol sa darating na Hari sa pamamagitan ng mga tao: mga propeta. Higit sa 680 na taon bago ang kapanganakan ni Jesus, sinabi ng Diyos kay propeta Isaias na ang Tagapagligtas ay magkakaroon ng birheng ina at magiging Diyos Mismo na magkakatawang-tao. Ang eksaktong pagsasakatuparan ng isang pahayag lamang na ito ay mahimala, lalo na at napakaraming taon ang hinintay ng mundo na mapangyari ang pangako. Ngunit ang pahayag na ito ay isa lamang sa 108 na natupad sa pamamagitan ng kapanganakan at buhay ni Jesus.

Noong 1958, ang kilalang dalubhasa sa matematika at propesor ng astronomiya na si Peter Stoner ang nagsuri at nagkalkula kung gaano kalaki ang probabilidad na matupad ang mga pahayag tungkol sa Mesias. Nadiskubre niya na ang probabilidad ng 8 lamang sa 108 na pahayag na iyon na magkatototoo ay may mataas na katiyakang, nasa isa sa 100,000,000,000,000,000. Yun ay isa sa isang daang quadrillion. Kahit WALO lamang sa 108! Dahil dito maituturing ang Kapaskuhan na isa sa mga pinakamakahulugang himala sa buong kasaysayan.

Habang ipinagdiriwang natin ang kamangha-manghang pistang ito, subukang arukin ng iyong isipan kung gaanong kalamang na hindi magkatotoong dumating si Jesus nang gaya ng naipahayag. Imposible nating maarok! Ang tanging makatwiran nating tugon ay pagsamba—na may pasasalamat at buong pagkamangha. Sinasabi ng Salita sa atin na walang limitasyon ang kapangyarihan ng Diyos, at ang mga numero na ito ay totoong katibayan. Siya ay karapat-dapat sa ating panggigilalas.

Panalangin: Ama, Ikaw ay nakapanggigilalas. Hindi ko man lamang masimulang arukin kung paano Mo ihinabi ang kuwento ni Jesus bago pa Siya isilang. Ako ay namamangha sa Iyong walang katapusang kapangyarihan at karunungan. Salamat sa himala ng Iyong Anak. Tulungan Mo ako na hindi kailanman malihis sa Iyong kadakilaan.

I-download ang larawan para sa araw na ito here.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Advent: The Journey to Christmas

Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: https://www.churchofthehighlands.com/