Paghahanap ng KapayapaanHalimbawa
Matutunang Mabuhay nang may Pagkakuntento
Upang mabuhay nang may pagkakuntento sa kaloob-looban, ang buong pinagtututukan ng iyong buhay ay dapat na ang Panginoong Jesu-Cristo.
Nagkaroon ako ng maiikling panahon sa aking buhay na ang isang partikular na problema o sitwasyon ay nagdudulot sa akin ng mga nakababalisang gabi, habang lumilipas ang mga oras, at hindi makatulog. Natuklasan ko na ang pinakamabisang bagay na magagawa ko kung hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa isang partikular na problema, pag-uusap, o pagpuna, ay ang bumangon mula sa kama, lumuhod, at umiyak sa Diyos: "Mangyaring tulungan Mo ako sa aking pinagdaraanan. Tulungan mo akong tumuon sa Iyo lamang."
Dumarating ang tulog at pahinga kapag ang aking pagtuon ay sa Panginoon at kung paano Niya ako nais mag-isip o tumugon sa aking mga nararamdaman sa isang partikular na sitwasyon. Ang pagtulog ay mailap kapag pinahihintulutan kong lumipat ang aking pagtuon sa sinabi ng iba, sa lahat ng mga bagay na maaaring mangyari, o ang kahirapan ng isang hamon sa hinaharap. Ang pagpili ay simple lamang — pag-isipan ang Panginoon at ang Kanyang masaganang paglalaan, proteksyon, at pagmamahal, o pag-isipan ang lahat ng mga tao at mga pangyayaring sinusubukang agawin ang inilaan sa iyo, sirain ang iyong buhay, o magbunton ng poot sa iyo.
Ang pag-iisip tungkol sa Panginoon ay nagdudulot ng kapayapaan sa isang tao. Ang pag-iisip tungkol sa anupaman ay karaniwang isang maikling daan patungo sa pagkabalisa, takot, at pag-alala.
Kapag nakatuon ka sa Panginoon, mahalagang makita mo Siya na nasa iyong sitwasyon, kasama mo sa mismong sandaling iyon. Masyadong maraming tao ang nag-iisip na ang Diyos ay malayo. Hindi nila nakikita ang Diyos na nariyan at malalapitan nila nang agad-agad sa kanilang buhay. Ang totoo, kasama natin Siya sa bawat sandali ng bawat araw.
Natatandaan ko ang pinakamapayapang lugar na napuntahan ko—ang Dagat ng Galilea. Maraming taon na ang nakalilipas, nasa tabi ako ng dagat na para sa akin ay siyang kahulugan ng kapayapaan at katahimikan. Gayunpaman, sa mundo ngayon, marami sa mga tao ay maaaring hindi isipin ang lugar na iyon bilang payapa. Ilang dosenang milya lamang ito patungo sa Syria at Lebanon. Iniisip ng mga tao na ang Israel ay isang magulong lugar dito sa mundo, isang lugar na halos walang kapayapaan.
Ngunit nakaramdam ako ng malalim na kapayapaan doon. Bakit? Dahil naramdaman ko roon ang Panginoon. Nadama ko ang Kanyang presensya.
Madali para sa aking ipikit ang aking mga mata at makita ang Panginoon na naglalakad sa tabi ko sa pampang ng Dagat ng Galilea. Madali at kapaki-pakinabang din para sa akin na isipin na lumalakad sa tabi ko ang Panginoon sa anumang bilang ng mga magagandang likas na tagpuan na naranasan ko sa iba't ibang panig ng mundo.
Hindi ang mga tagpuang ito ang nagbibigay sa akin ng kapayapaan. Ito ay ang kamalayan ng Diyos na nararamdaman ko sa aking puso kapag narito ako sa mga tagpuang ito na nagbibigay ng kapayapaan. Ito ay ang pakiramdam na "kasama ko ang Diyos" na mahalaga para sa akin na sariwaing muli, na gunitain, na makita ng mga espirituwal na mata, kapag ang mga oras ng kaguluhan ay dumadating sa aking buhay.
Kaibigan, kahit nasaan ka sa anumang oras, si Jesus ang pinagmumulan ng iyong pagkakuntento. Tingnan ang Panginoon na naglalakad kasama ka nang mapayapa. Damhin ang Kanyang presensya. Magkaroon ng kamalayan sa Kanyang kamangha-manghang kapangyarihan at karapatan sa iyong buhay. Kapag sa pamamagitan ng pananampalataya ay pumasok ka sa isang personal na relasyon kay Cristo, na nabubuhay na may katiyakan sa Kanyang presensya at pagkakaloob sa iyong buhay, ipinapangako ko sa iyo na tiyak na makakaranas ka ng totoong kapayapaan.
Kung nakikipagbuno ka sa kaguluhan sa isang walang kasiguruhang mundo, i-click ang dito upang malaman ang higit pa tungkol sa kung paano mahanap ang at mabuhay sa kapayapaan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nais mo bang magkaroon ng higit pang kapayapaan sa iyong buhay? Nais mo bang maging higit pa sa kahilingan lamang ang kapanatagan? Maaari mong makamtan ang tunay na kapayapaan ngunit mula lamang sa isang bukal -- Ang Diyos. Samahan si Dr. Charles Stanley habang ipinapakita niya sa iyo ang paraan tungo sa nakapagpapabagong-buhay na kapanatagan ng loob, na magbibigay sa iyo ng mga kasangkapan upang lutasin ang mga nakaraang pagsisisi, harapin ang mga kasalukuyang suliranin, at pawiin ang mga agam-agam tungkol sa hinaharap.
More