Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahal kong Pagkagumon...Halimbawa

Dear Addiction...

ARAW 4 NG 5

  

 

Araw 4: Pinakamababang Antas ng Buhay

Kapag ang tapis ay hinugot mula sa ilalim ng ating pagkagumon, kapag ang magagandang panahon ay tumigil at nagsimulang maging mga paraan kung paano natin kakayanin ang mabuhay, tayo ay malapit na sa ating pinakamababang antas sa ating buhay. Kapag napapaligiran tayo ng desperasyon at kawalan ng pag-asa, tayo ay palapit na. 

Ang kailaliman ay magkakaiba para sa bawat isa na apektado ng sakit na ito. Ngunit upang makaahon mula dito, dapat tayong sumuko sa katotohanang tayo ay walang kapangyarihan. Na hindi tayo gagaling sa pamamagitan ng pagpili ng parehong mga bagay na pinipili nating gawin. Na ang tanging paraan upang makaahon mula sa kailaliman ay ang patingala sa itaas.

Nangako ang Diyos na sasalubungin tayo sa kailaliman. Kapag ang mga bagay ay mukhang imposible para sa atin, kapag tila hindi na tayo kailanman makakaahon mula sa hukay ng pagkagumon, naroon Siya. Ang paggaling ay hindi ang madaling paraan; ito ang tanging paraan upang hindi tayo mapunta sa kulungan, sa mga institusyon o sa kamatayan. May kalayaan tayong mamili—Hindi tayo kailanman pipilitin ng Diyos na piliin Siya. Pero kung gagawin natin ito, nangangako Siyang hinding-hindi Niya tayo kailanman iiwan, hinding-hindi tayo pababayaan.

Ang pagdanas natin sa pinakamababang antas ng ating buhay ay maaring nakapagpabagsak sa atin. Maaaring masakit pa rin. Ngunit ang pinakamababang bahagi ng ating buhay ay ang pundasyon kung saan tayo ay makakapagtayo ng bagong buhay ng paggaling kung tayo ay hihingi ng tulong sa Diyos. Ang pinakamababang bahagi ng ating buhay ay maaaring ang ating wakas na magiging ating bagong simula. Sinasabi ng Diyos na makikipagpalit Siya sa atin: ibigay natin sa Kanya ang abo ng ating hapong buhay; bibigyan Niya tayo ng karangalan. Sa halip na pagdadalamhati at kawalan ng pag-asa, binibigyan Niya tayo ng kagalakan at papuri.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Dear Addiction...

"Mahal kong Pagkagumon..." ay isang 5-araw na babasahing gabay na sumisid sa ikot ng pagkagumon mula sa isang biblikal na pananaw. Ang Banal na Salita ay nag-aalok ng napakaraming pananaw at kapangyarihan tungkol sa ating mga pakikibaka, ipinapanalangin namin na ang debosyonal na ito ay aaliw at makapagbibigay-inspirasyon sa inyo sa proseso ng inyong paggaling!

More

Nais naming pasalamatan sina George at Meredith Shafer, mga kasamang nagtatag ng STORM Inc. para sa babasahing gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring dumalaw sa: http://www.storminc.org