Mahal kong Pagkagumon...Halimbawa
Araw 3: Ang Paglipat
Ang pain at ang paglipat. Sa totoo lang, ito ay isa sa mga taktika na naglalarawan sa lahat ng kasalanan, hindi ba? Tayo ay natukso at naakit sa pamamagitan ng pangako ng tuwa, kasiyahan, at kapayapaan. Ngunit alam natin na lahat ng tatlong ito ay matatagpuan sa Salita, at ang lahat ng ibang bagay na iniaalok ng mundong ito ay isang sintetiko, gawa-gawa, at kathang bersyon ng tunay na bagay.
Ngunit hindi nito binabalewala o pinapaliit ang pagkakahawak na maaaring magkaroon ang pagkagumon sa atin. Ang kaalaman ay kasing halaga lamang ng pagkilos na inilagay natin sa likod nito.
Alam mo ba kung paano natututo ang mga teller sa bangko na kilalanin ang mga pekeng perang papel? Sa pag-usbong ng karagdagang teknolohiya, at kasama ang elementong pang-kriminal na nagiging mas matalino sa araw-araw, naging mas mahirap na makilala ang pekeng pera. Upang labanan ito, ang mga bangko ba ay patuloy na nagpapadala ng mga memo sa loob ng kanilang organisasyon, sa mga taong may kaalaman na nagbubunyag ng mga bagong uso sa pamemeke? Oo naman. Sinisigurado ba nila na nasa watch list ang mga salarin? Syempre. Ngunit ang sentro ng kanilang pag-aaral ay nakabatay sa tunay na bagay. Ang mga teller sa bangko ay naging napakapamilyar sa aktwal na mga dolyar na kapag ang isang bagay ay tila hindi tugma, agad nilang nakikilala ito.
Anong aral ang matututuhan natin dito tungkol sa ating espirituwal na paglalakbay at pati na rin sa ating kahinahunan. Ang Mga Taga-Roma 12:2 ay nagsasabing, Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip. Upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.
Sa ating paggaling, literal nating binabago ang ating sarili sa pamamagitan ng pagbabago ng ating isipan, natututo kung paano harapin ang buhay ayon sa mga tuntunin ng buhay. Kapag naging pamilyar na tayo sa pagiging tunay ng Salita ng Diyos, at sa pag-ibig Niya para sa atin kaagad nating nakikilala ang impostor.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
"Mahal kong Pagkagumon..." ay isang 5-araw na babasahing gabay na sumisid sa ikot ng pagkagumon mula sa isang biblikal na pananaw. Ang Banal na Salita ay nag-aalok ng napakaraming pananaw at kapangyarihan tungkol sa ating mga pakikibaka, ipinapanalangin namin na ang debosyonal na ito ay aaliw at makapagbibigay-inspirasyon sa inyo sa proseso ng inyong paggaling!
More