Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahal kong Pagkagumon...Halimbawa

Dear Addiction...

ARAW 2 NG 5

  

 

Araw 2: Magagandang Panahon

Nagkaroon tayo ng ilang mga magagandang panahon, tama?

Karamihan sa ating mga nagpapagaling mula sa pagkagumon ay may ilang magagandang alaala noon sa buhay ng ating pagkagumon. Ito ay maaaring tungkol sa anumang panahon ng buhay—siyempre may ilang magagandang alaala na bahagi sa anumang panahon na ating maaalala. 

Ngunit ang paggunita sa mga alaalang iyon, ang mga magagandang panahon, at ang unang pagka-high na iyon ay maaaring makapigil sa ating personal na pag-unlad. Sinabi ito ni Pablo nang pinakamahusay sa 1 Mga Taga-Corinto 13:11, Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag-iisip at nangangatwirang tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na ang mga asal ng bata.

Hindi tayo kailanman sinadya na manatili sa isang yugto ng buhay magpakailanman. Para sa ating mga gumagaling, mahalagang sundin natin ang mga alituntunin ng ating mga naitakdang hakbang, magsikap para sa marangal na pagpapanumbalik ng mga bagay na nasira, at umasa sa tuluyang paggaling. Ang pagpapanatili ng isang kaisipan malayo sa ating nakaraan hanggang sa tamang oras at lugar at manatili sa kasalukuyan ay kritikal, lalo na sa mga unang araw ng paggaling. 

Tandaan, maaari nating palaging ipagkatiwala ang ating hindi nalalamang hinaharap sa isang kilalang Diyos. Sinasabi niya sa atin sa Jeremias 29:11, ’Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.’ Hindi ito isang simpleng magandang salita, o ilang positibong paghihikayat—ito ay isang deklarasyon mula mismo sa Lumikha. 

“Para sa Ngayon lang” ay isang inuulit na tema sa proseso ng ating pagpapanumbalik. Kung ang iyong isang paa ay nasa kahapon, at ang isa ay nasa bukas, wala kang puhunan para sa kasalukuyan. Ngayon ang araw na ginawa ng Panginoon at sino ang nakakaalam, baka binubuo mo ang mga alaala sa buhay na matagal na nating pinagsisikapan!

   

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Dear Addiction...

"Mahal kong Pagkagumon..." ay isang 5-araw na babasahing gabay na sumisid sa ikot ng pagkagumon mula sa isang biblikal na pananaw. Ang Banal na Salita ay nag-aalok ng napakaraming pananaw at kapangyarihan tungkol sa ating mga pakikibaka, ipinapanalangin namin na ang debosyonal na ito ay aaliw at makapagbibigay-inspirasyon sa inyo sa proseso ng inyong paggaling!

More

Nais naming pasalamatan sina George at Meredith Shafer, mga kasamang nagtatag ng STORM Inc. para sa babasahing gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring dumalaw sa: http://www.storminc.org