Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Papaano Mag-Aral ng Biblia (Mga Pundasyon)Halimbawa

How To Study The Bible (Foundations)

ARAW 4 NG 5

Ang Mabuting Pag-aaral ng Biblia ay Sinusuportahan ng Panalangin

Ang maging isang Cristiano na walang panalangin ay hindi posible tulad sa kung paanong hindi posibleng mabuhay nang hindi humihinga. – Martin Luther

Isa sa mga paborito kong pagkain ay inihaw na binabad na manok. Noong nakaraang tag-init, tiningnan ko ang proseso ng pagbababad dahil gusto kong malaman kung ano ang nangyayari sa pagkain upang maging masarap ito. Ito ang natuklasan ko.

Kapag nagbababad ka ng pagkain, kadalasan ang isang protinang katulad ng manok, binabalutan mo ito ng maasim na likido (katulad ng suka o katas ng lemon). Sinisira ng maasim na likido ang panlabas na mga suson ng karne upang ang pampalasa ay manuot sa mas malalim.

Ang pagbababad ay nangangailangan ng sapat na panahon. Hindi mo ihuhulog lang ang pecho ng manok sa pagbabaran ng ilang minuto at asahan na kakapit ang lasa. Kailangang bigyan mo ng oras na gumana ang proseso.

Ang panalangin ay ang pagbababad sa Cristiano. Ang pananalangin at ang Biblia ay nagpapahintulot sa atin na manatili sa katotohanan ng Diyos sa mahabang panahon sa paraan na nagpapahintulot sa atin na makalusot sa ating mga panlabas na balakid at “pasarapin” tayo nang higit sa kung ano ang kaya nating gawin sa ating sarili.

Sa pag-iisip na ito, hayaang ibahagi ko sa inyo ang panalangin na sinasabi ko sa tuwing kukunin ko ang aking Biblia:

Panginoon, mangyari na buksan Mo ako sa iyong Salita, at buksan ang iyong Salita sa akin.

Ito ang nagtatakda ng yugto sa aking isip at puso para mangyari ang isang bagay sa aking pang-araw-araw na gawi. Nais kong mabago. Nais kong paliwanagin ng Banal na Espiritu ang Salita. At ginagawa kong malinaw ang mga hangarin na ito sa pamamagitan ng pagbigkas ng maikling panalangin na ito.

May mga (literal) daan-daang paraan upang isama ang panalangin sa iyong oras sa Biblia. Sa ngayon, hinihikayat kita na subukan ang maikling panalangin na ito at tingnan kung ano ang mga pagbabagong magaganap.

Pro-Tip: Nasusumpungan mo ba ang iyong sarili na bigo sa panalangin dahil pakiramdam mo ay hindi ka dinirinig o sinasagot ng Diyos? Hayaan mong bigyan kita ng payo na ibinigay sa akin ng aking pastor: babaan ang iyong hangganan. Karamihan sa mga tao ang nag-iisip na ang pakikinig mula sa Diyos ay isang mahimala, nakapagpapabagong-buhay na pangyayari. Sa katotohanan ang Diyos at ang Banal na Espiritu ay nakikipag-usap sa iyo araw-araw (at maraming beses pa nga bawat araw!). Ang pagbaba ng iyong hangganan ay nangangahulugan na (1) umaasa kang ang Diyos ay nakikipag-usap sa iyo at (2) aktibong humahanap ka ng mga maliliit na paraan na ginagawa Niya ito. Hindi mo kailangan ang karanasan tulad ng nagliliyab na puno upang makaharap ang Diyos; kung minsan ang tamang awit sa radyo ay magsasagawa ng parehong bagay.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

How To Study The Bible (Foundations)

Napakadali nating makaramdam ng kabigatan, kakulangan ng kaalaman o kung minsan ay pagkaligaw pagdating sa Salita ng Diyos. Ang aking layunin ay mapadali ang pag-aaral ng Salita ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan ng ilang pamamaraan, tulad ng pagtuturo sa iyo ng tatlong pinakamahahalagang prinsipyo ng matagumpay na pag-aaral ng Salita ng Diyos. Sumahan mo kami sa gabay na ito at matutuklasan mo kung paano ang magbasa ng Biblia hindi lamang para makakuha ng impormasyon kundi upang mabago ang iyong buhay ngayon!

More

Gusto naming magpasalamat sa Faithspring sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa iba pang impormasyon, pakibisita sila sa http://www.ramosauthor.com/books/