Papaano Mag-Aral ng Biblia (Mga Pundasyon)Halimbawa
Ang Mabuting Pag-aaral ng Biblia ay Sinusuportahan ng Mga Kasangkapan
Ang isang tao ay kasing husay lamang ng kanyang mga kasangkapan. – Emmert Wolf
Ang isa sa paborito kong gawin sa mga araw na wala akong pasok ay maupo na may isang tasa ng mainit na tsaa mula sa luya at lemon at manood ng ilang oras sa mga palabas tungkol sa pagluluto. Nakakamanghang panoorin ang isang master chef na nagluluto. Ang lahat ng kanilang ginagawa ay tiyak mula sa mga panimpla na kanilang ginagamit, sa temperatura na kanilang itinakda, hanggang sa uri ng pinggan na pinaglalagyan ng kanilang mga ginawa.
Kung tatanungin mo ang mga kilalang chef na ito kung ano ang pinakamahalagang elemento para sa pagluluto, 99% sa kanila ay magbibigay ng parehong sagot: mga sangkap. Mas sariwa at bihira ang mga sangkap, mas magiging kahanga-hanga ang kahihinatnan ng pagkain.
Para sa mga estudyante ng Biblia, ang mga sangkap natin ay ang mga kasangkapan na ginagamit natin upang tulungan tayong maunawaan ang Banal na Kasulatan. Kung gagamit tayo ng magagandang kasangkapan, makakabuo tayo ng mayamang pagkaunawa sa daigdig ng Biblia at matutunan kung paano ilalapat ang walang kupas na katotohanan na matatagpuan sa loob ng Salita ng Diyos. Ngunit kung tayo ay babaling sa hindi kumpleto at hindi tamang "mga sangkap", ang ating pagkaunawa sa Biblia ay magkukulang at posible na maakay tayo sa mapanganib na mga landas.
Hinihimok tayo ng 2 Timoteo na maging mga manggagawa na kayang "panghawakan nang tama ang salita ng katotohanan." Ang pinakamabuting paraan na alam ko para gawin ito ay:
- Tuklasin ang mga kasangkapan na magagamit mo upang tulungan kang maunawaan ang Biblia.
- Ipanalangin na akayin ka ng Diyos sa isang maka-Diyos na tagapagturo upang tulungan ka na gamitin ang mga kasangkapang ito.
Ngayon, napakadaling malula sa dami ng mga kasangkapan na magagamit. May mga komentaryo, diksyonaryo, konkordansya, mapa, software para sa wika, at marami pa. Ang #1 na kasangkapan na palagi kong hinihikayat sa aking mga estudyante na simulan ay ang simple: isang mahusay na salin.
Sa kabutihang palad, ang mga kasangkapan tulad ng YouVersion Bible app ay magpapadali sa pagkuha ng maraming mga paki-pakinabang na mga salin. Dito ko kayo hinihikayat na magsimula.
May kayamanan sa Salita ng Diyos na naghihintay lamang sa mga handang sumunod dito.
Pro-Tip: Gusto mo bang dalhin ang iyong pag-aaral ng Biblia sa susunod na antas ngunit hindi sigurado kung saan magsisimula? Pumili ng isa sa iyong mga paboritong talata at sumulat ng 5 mula sa iba't ibang salin ng talatang iyon sa isang pirasong papel. Anong pagkakaiba/pagkakatuald ang napapansin mo? Ang iyong kamalayan bilang isang mambabasa ay isa sa pinakamahusay na kasangkapan na mayroon ka.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Napakadali nating makaramdam ng kabigatan, kakulangan ng kaalaman o kung minsan ay pagkaligaw pagdating sa Salita ng Diyos. Ang aking layunin ay mapadali ang pag-aaral ng Salita ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan ng ilang pamamaraan, tulad ng pagtuturo sa iyo ng tatlong pinakamahahalagang prinsipyo ng matagumpay na pag-aaral ng Salita ng Diyos. Sumahan mo kami sa gabay na ito at matutuklasan mo kung paano ang magbasa ng Biblia hindi lamang para makakuha ng impormasyon kundi upang mabago ang iyong buhay ngayon!
More