Papaano Mag-Aral ng Biblia (Mga Pundasyon)Halimbawa
Bakit Mahalaga ang Pag-aaral ng Biblia
Imposibleng makilala ang Diyos nang hindi alam ang Biblia.
Naalala ko ang unang pagkakataon na narinig ko ang linyang ito. Ako ay isang batang Cristiano na sabik na pumili ng tamang bagay upang gabayan ang aking puso tungo sa tamang mga naisin. Alam ko na kayang baguhin ng Diyos ang aking buhay at nais kong makilala Siya nang lubusan.
Ano ba talaga Siya? Ano ang nais Niya sa akin? Bakit ako naririto?
Sa sumunod na dekada, ginawa kong tungkulin na pag-aralan ang Biblia sa abot ng aking makakaya upang makikilala ko nang malalim ang Diyos. Ang desisyon ay nagdala sa akin sa isang landas na hindi ko kailanman naisip.
Ang maikling debosyonal na ito ay isang panimula sa ilang mga kapakipakinabang na mga pananaw na kinuha ko sa nakalipas na huling dekada. Matutuklasan mo ang mga pamamaraan, kasangkapan, at estratehiya upang tulungan ka na makuha ang higit pa mula sa iyong oras ng pagbabasa maging ang paghihikayat upang maniwala na ang pagkaalam sa iyong Biblia ay nagkakahalaga ng bawat onsa ng gawain na kinakailangan nito dahil ang pabuya ay ang Diyos mismo.
Tanggapin ang hamon at alamin kung paano babaguhin ang iyong karanasan sa Biblia mula sa isang gawain tungo sa isang mahalagang gawi. Naghihintay ang Diyos para mas makilala mo Siya. Inilatag Niya ang dakilang paanyaya. Kung ano ang susunod na mangyayari ay nasa sa iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Napakadali nating makaramdam ng kabigatan, kakulangan ng kaalaman o kung minsan ay pagkaligaw pagdating sa Salita ng Diyos. Ang aking layunin ay mapadali ang pag-aaral ng Salita ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan ng ilang pamamaraan, tulad ng pagtuturo sa iyo ng tatlong pinakamahahalagang prinsipyo ng matagumpay na pag-aaral ng Salita ng Diyos. Sumahan mo kami sa gabay na ito at matutuklasan mo kung paano ang magbasa ng Biblia hindi lamang para makakuha ng impormasyon kundi upang mabago ang iyong buhay ngayon!
More