Ang Tagpo sa KapanganakanHalimbawa
Ang huling grupo na inilarawan sa pagsilang ni Jesu-Cristo ay ang mga pantas o mago. Sila ay mga astronomo mula sa mga di-Judiong mananampalataya na nakakita ng bituin sa kalangitan sa gabi ng kapanganakan ni Jesus. Alam nila na ang pangyayaring ito ay nagbabadya ng pagbabago sa kosmiko ng mundo. Naglakbay sila upang hanapin ang pinagmulan ng pangyayaring ito at malamang na narinig nila ang balita ng kapanganakan kay Jesus. Kaya't sila'y nagpunta kay Haring Herodes dahil gusto nilang makita ang bagong hari upang purihin at sambahin.
Si Herodes, bilang isang Romanong kasalukuyang itinalagang hari ng Israel, ay hindi nasiyahang marinig ang banta sa kanyang paghahari. Ito ang pagkakaiba ni Herodes sa mga pantas: kung saan ang nakita ni Herodes ay pagbabanta, ang mga pantas nama'y nakakita ng pag-asa. Nakita ni Herodes si Jesus hindi bilang isang Tagapagligtas, bagkus bilang isang banta sa kanyang paghahari sa buong Israel at sa paggawa ng kanyang mga desisyon. Nasanay si Herodes na siya ang nagbibigay ng mga utos at gumagawa ng mga patakaran. Hindi niya gustong sundin ang Anak ng Diyos. Ngunit kahit na hindi lumaki ang mga pantas na sumasamba sa Diyos, alam nila na ang kapanganakan ni Jesus ay naglalarawan ng bagay na makapangyarihan at kamangha-mangha. Sila ay nakakita ng pag-asa at nakaramdam ng kagalakan nang marinig nila ang balita tungkol kay Jesus.
Tayo ay nagkaroon din ng parehas na pagpili sa ating buhay. Nang marinig natin ang tungkol kay Jesus at naintindihan ang Ebanghelyo, Siya ay ating naging tagapagligtas at hari. Nangangahulugan ito na isinusuko na natin sa Kanya ang paggawa ng mga desisyon sa ating buhay. Namumuhay na tayo ngayon nang nakatuon sa ating Hari, at hindi na sa ating sarili. Kaya't ang tanong, katulad ka ba ni Herodes? Nakikita mo ba si Jesus bilang isang banta? O katulad ka ng mga pantas, na nakita si Jesus bilang pag-asa sa kanilang buhay?
Mga Katanungan sa Pagninilay:
Sa iyong tingin, bakit ang mga pantas ay nakahandang maglakbay nang malayo para hanapin si Jesus?
Anong mga bahagi ng iyong buhay ang nahihirapan kang isuko sa piling ni Jesus?
Mas nakikita mo ba si Jesus bilang isang banta o pag-asa para sa iyong buhay?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Isa sa maraming tradisyon sa Pasko para sa mga pamilya ay ang maglagay ng isang tagpo ng kapanganakan na naglalarawan ng pagsilang kay Jesus. Kadalasan, nakikita natin si Maria, si Jose, ang mga pastol, ang mga tupa, at ang mga pantas na nakapalibot sa isang maliit na sanggol sa sabsaban. Ito ay isang kaakit-akit na tagpo na nagpapaalala sa atin ng kapanganakan ni Jesus. Ngunit ang pagiging pamilyar sa atin ng tagpong ito ng kapanganakan ay maaaring magdulot sa ating makalimutan ang katauhan ng bawat isang nilalang na naroon nang espesyal na gabing iyon.
More