Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Tagpo sa KapanganakanHalimbawa

The Nativity Scene

ARAW 3 NG 4

Noong sinaunang panahon kapag ang Roma ay nagdiriwang ng kanilang tagumpay sa digmaan, o bagong kasunduang pangkapayapaan, o ang pagsilang ng bagong emperador, nagpapadala sila ng mga mensahero upang ipahayag ang mabuting balita sa lahat ng kanilang makakasalubong. Ang mga mensaherong ito ay may mahalagang trabaho dahil wala pang social media o paraan ng pangmalawakang komunikasyon noong panahong iyon.

Sa pamamagitan ng berbalang pakikipag-usap ay naipapalaganap ang mabuting balita sa panahon ng Roma. Tingnan ang bansang Israel na nasasakop ng mga Romano. Sa isang maliit na nayon sa kalagitnaan ng parang isang hatinggabi, isang grupo ng mga pastol ang nagpapainit habang binabantayan ang kawan ng mga tupa. Biglang-bigla, isang kahanga-hangang liwanag ang nakita sa kalangitan na tila kasing liwanag ng bukang-liwayway at isang hukbo ng mga anghel ang nagpakita na ipinapahayag ang mabuting balita na isang bagong hari ang isinilang.

Hindi isang Romanong emperador, kundi ang Tagapagligtas para sa buong mundo. 

Nang marinig nila ang balitang ito, agad silang nagtungo upang makita ang sanggol. Pagkatapos nilang makatagpo si Jesus, umikot sila sa buong nayon upang ipamalita ang kanilang narinig. 

Natanggap din natin ang mabuting balita na natanggap ng mga pastol, at tayo rin ay nararapat mahikayat ng kahanga-hangang balita na ang Tagapagligtas ng mundo ay narito na. Ang mga pastol ay hindi nahiyang kumatok sa mga pinto sa gitna ng gabi upang ipahayag sa lahat ang mabuting balita tungkol sa kapanganakan ni Jesus. May pagkakataon tayong ipahayag sa mundo hindi lamang ang kapanganakan ni Jesus, kundi ang tungkol sa Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Katulad ng mga Romanong mensahero at ng mga pastol, hinihingi ng Diyos na ipagkalat natin ang mabuting balita ng Kanyang Anak sa lahat ng ating mga kakilala. 

Mga Tanong na Pagninilayan:

Ano ang mga kalamangan natin sa mga pastol patungkol sa ating kakayahang ipabatid ang mabuting balita tungkol kay Jesus sa mga tao ngayon?

Sino ang tatlong taong malalapit sa iyo na maipapanalangin mo upang makahanap ng pagkakataong maibahagi ang Mabuting Balita tungkol kay Jesus? Ipanalangin ito ngayon.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

The Nativity Scene

Isa sa maraming tradisyon sa Pasko para sa mga pamilya ay ang maglagay ng isang tagpo ng kapanganakan na naglalarawan ng pagsilang kay Jesus. Kadalasan, nakikita natin si Maria, si Jose, ang mga pastol, ang mga tupa, at ang mga pantas na nakapalibot sa isang maliit na sanggol sa sabsaban. Ito ay isang kaakit-akit na tagpo na nagpapaalala sa atin ng kapanganakan ni Jesus. Ngunit ang pagiging pamilyar sa atin ng tagpong ito ng kapanganakan ay maaaring magdulot sa ating makalimutan ang katauhan ng bawat isang nilalang na naroon nang espesyal na gabing iyon.

More

Nais naming pasalamatan ang Youth Commission International sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://yciclubs.com