Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Tagpo sa KapanganakanHalimbawa

The Nativity Scene

ARAW 1 NG 4

  

Mahirap isipin ang eksena ng kapanganakan nang wala ang isa sa pinakamahalagang tao rito, si Maria na ina ni Jesus. Sa pamamagitan ng kahanga-hangang dalagitang ito mapupunta sa wasak na mundong ito ang Anak ng Diyos kung saan isang araw ay ililigtas Niya ito sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus. 

Ngunit ang plano ng Diyos ay tiyak na hindi ang plano ni Maria. Sa totoo lang, malamang na ang paglalarawan niya sa buhay niya ay ibang-iba noong araw na sinabi sa kanya ni Gabriel ang balita na siya ay magkakaroon ng anak. Ang plano niya ay pakasalan ang kanyang kasintahang si Jose at magsimula ng isang pamilya. Isa pa, paano siya magkakaroon ng sanggol samantalang isang birhen siya?

Hindi posibleng magkaroon siya ng anak, ngunit ipinaliwanag sa kanya ni Gabriel na maaaring gawin ng Diyos ang imposible na posible, na magbubuntis siya sa pamamagitan ng Espiritu Santo, at ang sanggol na kanyang dadalhin ay magiging Anak ng Diyos! 

Pinag-isipan ni Maria ang kanyang mga plano laban sa mga planong mayroon ang Diyos para sa buhay niya. Sinabi niya sa anghel, "Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi." Gaano ba ito kahanga-hanga? 

Handang isantabi ni Maria ang kanyang mga plano at mga naisin upang sumunod sa pagkakatawag ng Diyos sa kanyang buhay. Kahit na ito ay maaaring mauwi sa kahihiyan dahil sa kanyang pagiging ina na walang asawa at kahit na maaaring hindi siya paniwalaan ni Jose, nagtiwala siya na ang mga plano ng Diyos ay mas mabuti kaysa sa mga plano niya para sa kanyang sarili. 

Sa ating mga buhay, kailangan din nating tandaan ito. May mga plano at ideya tayo para sa ating buhay, ngunit hindi natin dapat kalimutang kaya ng Diyos ang higit pa sa ating kayang isipin. 

Mga Tanong sa Pagninilay:

Ano sa palagay mo ang naramdaman ni Maria nang magpakita sa kanya ang anghel?

Ano kayang mga plano ng Diyos para sa iyo na hindi nakaayon sa mga plano mo?

Manalangin na ibibigay sa iyo ng Diyos ang pananampalataya ni Maria upang magtiwala na kaya ng Diyos ang higit pa sa iyong iniisip.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

The Nativity Scene

Isa sa maraming tradisyon sa Pasko para sa mga pamilya ay ang maglagay ng isang tagpo ng kapanganakan na naglalarawan ng pagsilang kay Jesus. Kadalasan, nakikita natin si Maria, si Jose, ang mga pastol, ang mga tupa, at ang mga pantas na nakapalibot sa isang maliit na sanggol sa sabsaban. Ito ay isang kaakit-akit na tagpo na nagpapaalala sa atin ng kapanganakan ni Jesus. Ngunit ang pagiging pamilyar sa atin ng tagpong ito ng kapanganakan ay maaaring magdulot sa ating makalimutan ang katauhan ng bawat isang nilalang na naroon nang espesyal na gabing iyon.

More

Nais naming pasalamatan ang Youth Commission International sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://yciclubs.com