Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pagbabagong-Anyo ng Alibughang Anak ni Kyle IdlemanHalimbawa

Prodigal Son Transformation With Kyle Idleman

ARAW 7 NG 7

“Pagpapala para sa Dalawang Anak na Lalaki”

Ang mas nakatatandang anak na lalaki ay nagngingitngit noong makita niya ang ginawa ng kanyang ama. Maaaring itong nakatatandang kapatid na ito ay nagtrabaho nang husto at tapat na pinangalagaan ang bukirin nila, subalit siya'y nawala sa bahay ng kanyang ama.

Walang paggising. Walang katapatan. Walang pagkilos.

Ang katotohanan, maging siya rin, ay isang alibughang anak. Maging siya ay may pusong malayo sa kanyang ama. Siya rin man ay nawala, subalit hindi niya ito nakita. Ganito ito ipinalagay ni Tim Keller, “Ang masamang anak ay nawala sa kanyang kasamaan, ngunit ang mabuting anak ay nawala sa kanyang kabutihan.”

Maaaring hindi ka pa nakarating sa Malayong Bansa. Maaaring mayroon kang napakagandang lagom na patungkol sa iyong relihiyon. Maaaring nasunod mo ang lahat ng mga alituntunin. Maaaring nabasa mo na ang buong aklat na ito habang iniisip mo ang mga taong kilala mo sa Malayong Bansa na tunay ngang nangangailangang marinig ang tungkol dito. Ngunit gusto kong malaman kung sa lahat ng ito ay ikaw ba talaga ang kinakausap ni Jesus.

Mabuti na lamang at nang ang mas nakatatandang kapatid ay nasa bukid, iniwan ng ama ang pagdiriwang at siya'y pinuntahan. Kapagdaka'y kinausap niya ang kanyang anak.

Anong sinasabi nito sa atin tungkol sa Diyos? Ang Diyos ay nagnanais ng pakikipag-ugnayan sa Kanyang mga anak. Kahit na ang buhay mo man ay maihahalintulad sa mas nakatatandang anak na lalaki o sa nakababata man.

Kahit pagkatapos ng mga nakaiinsultong pagpili ng nakababatang anak na lalaki at kanyang walang-taros na pamumuhay, niyakap at hinalikan pa rin siya ng kanyang ama. At pagkatapos ng masasakit na salita at pagkawalang-galang ng nakatatandang kapatid, nagpaliwanag pa rin ang kanyang ama nang may pagmamahal. Sa mga sinaunang panahon, hindi kailanman kailangang magpaliwang ng isang patriyarka. Ang mga sambahayan ay hindi isang demokrasya; sila'y diktadura. Subalit sinagot ng ama ang galit ng nakatatandang kapatid nang buong tiyaga at mabuting kalooban.

Inaasahan nating ang Diyos ay magiging isang galit na amang humihingi ng katarungan, subalit sa pamamagitan ni Jesus, pinagkakalooban Niya tayo ng pagmamahal at biyaya kahit hindi tayo karapat-dapat. Sa bandang huli, ang kasaysayan sa Lucas 15 ay hindi tungkol sa dalawang anak na lalaki na sumuway. Ito ay tungkol sa isang Amang nagmahal nang lubusan sa Kanyang mga anak.

* Kapag ikaw ay nagkasala, paano mo nakikita sa iyong isipan ang Diyos at ano ang iniisip Niya tungkol sa iyo? Paanong pinag-aalab ng kanyang walang-hanggang biyaya at pagmamahal ang kabuuan ng AHA?

Nasiyahan ka ba sa pagbabasa ng gabay na ito? Kung oo, makilahok upang mapanalunan ang buong aklat sa dito

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Prodigal Son Transformation With Kyle Idleman

Hango sa kanyang aklat na "AHA," samahan si Kyle Idleman sa kanyang pagtuklas sa 3 elemento na makapagpapalapit sa atin sa Diyos at makapagpapabago sa ating buhay para sa kabutihan. Handa ka na ba sa sandaling ginawa ng Diyos na magpapabago sa lahat ng bagay?

More

Nais naming pasalamatan si David C Cook sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://davidccook.org/books/