Ang Pagbabagong-Anyo ng Alibughang Anak ni Kyle IdlemanHalimbawa
![Prodigal Son Transformation With Kyle Idleman](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1321%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
“KATAPATAN - Pakikipag-usap sa Aking Sarili”
Nakikita natin ang ikalawang sangkap (brutal na katapatan) ng AHA sa Lucas 15:17: “Sinabi niya sa kanyang sarili...…”
Walang sinuman sa paligid niya. Siya lamang at ang mga baboy. Kung minsan, ang pinakamahirap na pakikipag-usap ay yaong pakikipag-usap mo sa iyong sarili. Ang brutal na katapatan ay nagsisimula kapag tayo ay tumingin sa salamin at sinasabi natin ang katotohan tungkol sa ating nakikita. Hinihingi ng AHA na sabihin mo ang katotohanan tungkol sa iyo sa iyong sarili.
Ang Alibughang Anak ay naging tapat sa kanyang sarili tungkol sa kung ano ang nararapat para sa kanya. Ang ganoong uri ng katapatan ay napakahirap. Mas nanaisin natin ang paggising na hindi kasama ang brutal na katapatan.
Tulad ng asawang babae na nagising sa kanyang pagkakaroon ng espiritung mapamuna ngunit tumatangging sabihin na,“Nagkamali ako sa pagiging masyadong negatibo. Alam kong kailangan ng asawa ko ng paghihikayat at tulong, ngunit ako'y nagreklamo at namuna lamang.”
Tulad ng asawang lalaki na napagtanto ang kanyang sekswal na kasalanan ngunit tumatangging sabihin na, “Ang suliranin ko sa pornograpiya ay lumikha ng pagitan sa aking buhay may-asawa at pinatigas nito ang aking puso patungkol sa aking asawa.”
Ang pag-iwas sa brutal na katapatan ay magpapaikli ng pangmatagalang pagbabago. Kapag may pagkilala nang walang pagsisisi, hindi mangyayari ang AHA. Nang ang Alibughang anak ay magising sa kanyang sarili, pinakitunguhan niya ang kanyang sarili ng may katotohanan. Ang paggising ay dapat humantong sa katapatan. Ang pananalig ay kailangang humantong sa pag-amin.
Kung tutuusin, nakikita at nalalamang lahat ng ating Ama sa langit, kaya't hindi ito katanungan ng kung ikaw ba ay mahuhuli. Ang katapatang sinasabi ko ay higit pa sa payak na pag-amin; ito ay isang uri ng pagbasag sa sarili. Oo, humihingi ka ng paumanhin sa taong nakahuli sa iyo, subalit kailangang higit pa rito ang iyong gawin. Sa isang tapat na sandaling walang kahit sino sa iyong paligid, kailangang sabihin mo sa sarili mo ang tungkol sa iyo at kailangang malaman mo na ikaw ay nagsisisi.
Ito ang pagkakaiba ng panghihinayang at pagsisisi.
* Nasundan mo na ba ang isang paggising ng pagkakaroon ng brutal na katapatan sa iyong sarili? Sapat ba ang iyong katapatan sa iyong sarili upang makita mo ang iyong sariling pagkabasag at kung paanong ito'y hindi nakakalugod sa Diyos?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Prodigal Son Transformation With Kyle Idleman](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1321%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Hango sa kanyang aklat na "AHA," samahan si Kyle Idleman sa kanyang pagtuklas sa 3 elemento na makapagpapalapit sa atin sa Diyos at makapagpapabago sa ating buhay para sa kabutihan. Handa ka na ba sa sandaling ginawa ng Diyos na magpapabago sa lahat ng bagay?
More
Nais naming pasalamatan si David C Cook sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://davidccook.org/books/
Mga Kaugnay na Gabay
![Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1930%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman
![Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1355%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos
![Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F12737%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw
![Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13048%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan
![Mas Mahusay Kapag Sama-sama](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1650%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mas Mahusay Kapag Sama-sama
![Paghahanap ng Kapayapaan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3438%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paghahanap ng Kapayapaan
![Banal na Patnubay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3670%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Banal na Patnubay
![Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11397%2F320x180.jpg&w=640&q=75)