Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pagbabagong-Anyo ng Alibughang Anak ni Kyle IdlemanHalimbawa

Prodigal Son Transformation With Kyle Idleman

ARAW 6 NG 7

“PAGKILOS – Panahon Upang Bumangon”

Ang marami sa atin ay sa pagkilos natitigilan o nananatili. Alam natin kung anong kailangang gawin, lumabas tayo sa entablado, ngunit hindi natin magawang gumalaw. Isang bagay ang maranasan ang pagkagising at maging ang maging tapat sa kung ano ang dapat talaga nating gawin. Isa ring bagay ang lubusang pagtalon tungo sa pagkilos. Sa Lucas 15:20, nabasa natin ang payak na pariralang bumago sa kasaysayan ng Alibughang Anak. Payak na sinabi ni Jesus, “Kaya’t siya’y tumayo...…

Gumawa siya ng agarang pagkilos. Nabatid niya na panahon na upang siya’y tumayo. Panahon na upang siya’y may gawin. At hangga't ang nakasulat sa ating kasaysayan ay, “Kaya't siya'y tumayo,” o “Kaya't siya'y bumangon,” wala naman talagang nagbago.

Dito humihinto ang AHA para sa marami sa atin. Mayroon tayong sandali ng pagkagising, at nagkakaroon pa nga tayo ng lakas na maging tunay na tapat, subalit hindi rin natin nagagawang gumawa ng anumang naiiba. Maraming panahon sa ating buhay na tayo'y nahihinto sa pagitan ng pagiging tapat at sa pagkilos.

Maaaring binabasa mo ito at iniisip mo, “Umaayon ako sa iyo, kaya nga lamang ay parang hindi ko gustong may gawin na kahit ano tungkol sa bagay na ito.”

Maaaring tila malamig ito sa pandinig, o parang pangkaraniwan lamang, subalit ang katotohanan ay kailangan nating sumunod sa Diyos kahit na parang ayaw nating gawin ito. Kapag sinusunod natin ang Diyos kahit na walang nag-uudyok sa atin na gawin ito, sa kalaunan ay makakahabol din ang ating damdamin sa ating pagkilos.

Tingnan mong muli ang iyong plano para sa mga pagbabagong kailangan mong gawin. Malamang ay may nagawa ka ng listahan dati pa, maging ito man ay sa papel o sa iyong isipin lamang, at alam mo kung anu-ano ang mga ito. Kilalanin mo ang unang hakbang, katulad ng ginawa ng Alibughang Anak noong banggitin niya, “Ako'y uuwi at sasabihin ko sa aking ama…” Alam niya kung ano ang kailangan niyang gawin, at ito nga ang kanyang isinakatuparan. Hanapin mo ang iyong unang hakbang at gawin mo na ang pagkilos mo ngayon, gusto mo man ito o hindi. At maaaring habang ginagawa mo ito, sa tulong ng Diyos, ang mga pagkilos mong sa simula ay parang hindi tunay ay magiging totoo sa kalaunan.

* Ikaw ba ay nagkaroon na ng paggising, at naging tapat ka na ba sa sarili mo, ngunit hindi mo pa ginagawa ang mga bagay na dapat mong gawin? Ano ang unang hakbang na maaari mong gawin?

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Prodigal Son Transformation With Kyle Idleman

Hango sa kanyang aklat na "AHA," samahan si Kyle Idleman sa kanyang pagtuklas sa 3 elemento na makapagpapalapit sa atin sa Diyos at makapagpapabago sa ating buhay para sa kabutihan. Handa ka na ba sa sandaling ginawa ng Diyos na magpapabago sa lahat ng bagay?

More

Nais naming pasalamatan si David C Cook sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://davidccook.org/books/