Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Kalayaan mula sa StressHalimbawa

Finding Freedom From Stress

ARAW 3 NG 5

Makakamit mo ang ganap na kapayapaan.

Kung matagal mo nang nararanasan ang stress, napagtanto mo nang maaari mo itong ipagpaliban, maaari mong lutasin ito, at maaari mong malampasan ito, ngunit hindi mo ito kayang magapi nang nag-iisa. Ang stress ay malaking kaguluhan sa isipan. Ito ay isang pagkilos dahil sa mga nag-iibang pangyayari na nagbibigay ng damdamin ng nagbabadyang panganib, pagkatakot, pag-aalala, o pagkabalisa. Ngunit kahit na hindi natin kayang gapiin ang stress sa sarili nating kakayahan, kaya naman nating makamit ang panlunas dito—ang kapayapaan.

Inilalarawan si Jesus bilang "Prinsipe ng Kapayapaan" sa Isaias 9. Si Jesus ang naging at ngayon ay katuparan ng kapayapaan. Noong si Jesus ay narito pa sa lupa, ipinangako Niya sa Kanyang mga alagad na bibigyan at iiwanan Niya ang mga ito at kasama na rin tayo ng Kanyang kapayapaan sa pagbalik Niya sa langit. Walang kapayapaan kapag ikaw ay nakahiwalay sa Kanya. Ang kapayapaan ay inilalarawan din bilang bunga ng Banal na Espiritu, kaya ito ay malinaw na masasabing tunay ngang mahalaga.

Maraming mga tao at mga bagay na sinasabing siyang nagdadala ng kapayapaan sa buhay natin: mga paraan upang mapangalagaan ang sarili, mga babasahin tungkol sa pagninilay, pagtatala, at marami pang ibang pagpipilian. At maaari ngang may lugar para sa lahat ng ito, ngunit walang maaaring pumalit sa tunay at ganap na kapayapaan na matatagpuan lamang sa Diyos.

Sa Biblia, isa sa mga pinagmulang ugat ng kapayapaan ay nagmula sa salitang Hebreo, Shalam, na ang ibig sabihin ay kabuuan. Kaya nga hindi na tayo magtataka kung hindi natin kayang matamo ang kapayapaan sa ating sariling kakayahan lamang. Tayo ay mga taong wasak, at hindi lamang tayo naghahanap ng solusyon sa ating stress. Sa kadulu-duluhan ay naghahanap tayo ng kagalingan. At tanging ang Diyos lamang ang maaaring kumuha ng mga wasak na piraso ng ating buhay upang ito ay buuin o gawing ganap. Ito ang ginagawa Niya at Siya ito.

At narito pa ang karagdagang mabuting balita. Maaari nating makamit ang kapayapaan ng Diyos. Isinulat din ni Isaias na maaari tayong magkaroon ng ganap na kapayapaan kapag ang ating mga isipan ay nananatiling nakatuon sa Diyos. Kung babalikan natin ang kahulugan ng stress, mapapagtanto nating maaari nating ibigay ang pagpapahalaga sa Diyos sa halip na sa ating mga problema.

Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu upang matagpuan natin ang kapayapaan kapag hiningi natin ito sa Kanya. Kaya't ngayon, kailangan mong malaman na hindi mo kayang gapiin ang stress sa sarili mong lakas, ngunit maaari mong hanapin Siya na may kakayahang gawin ito. At sa ganitong paraan ay maaari mo ring matagpuan ang mas malalim na kagalingan.

Pag-usapan Ito

  • Ano ang ilan sa mga pamamaraan kung paano mong sinubukang mag-isang hanapin ang kapayapaan?
  • Paano mo sisimulang hanapin ang tunay na kapayapaan?
  • Ano ang mga wasak na bahagi ng buhay mong nangangailangan ng kagalingan at pagiging buo?
Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Freedom From Stress

Ang stress ay totoo, ngunit hindi nito kailangang patakbuhin ang iyong buhay. Kay Cristo, may kakayahan tayong tukuyin, at bigyan ito ng bagong kahulugan. Kung ikaw ay nakakaranas ng stress, suriin mo ang 5-araw na Gabay sa Bibliang ito upang malaman kung paano makakamit ang kalayaan at kapayapaan.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/