Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Kalayaan mula sa StressHalimbawa

Finding Freedom From Stress

ARAW 2 NG 5

Anong Pinahahalagahan mo?

Isa sa mga unang kahulugan ng salitang "stress" ay "lubhang kapaguran," na isang akmang paglalarawan kung anong pakiramdam ng pagiging stressed. Pakiramdam mo ay hindi ka makahinga o makapag-isip—parang pinipigilan ka. Makalipas ang ilang taon, pinalawak ang kahulugan nito upang ito ay magbigay ng paglalarawan. Ang pinakaunang kahulugan nito ay "bigyang halaga" o "gipitin sa pamamagitan ng pagtitiwala rito.”

Muli, akmang-akma ito, tama? Kapag tayo ay nai-stress tungkol sa isang bagay, binibigyang-halaga natin ang ating problema. Wala namang masama rito kung minsan, ngunit kailangan nating tanungin ang ating sarili—mas pinahahalagahan ba natin ang ating problema o ang ating Diyos?

Hinahamon tayo ni Jesus tungkol dito sa Mateo 6. Ipinaliwanag Niya rito na hindi tayo kailangang mag-alala kung anong sunod na mangyayari sa ating buhay. Sa halip, inaanyayahan Niya tayong magtiwala sa Kanya. Hinihingi Niyang kilanlin natin kung talaga bang naniniwala tayong isa Siyang mabuting Ama na nangangalaga sa atin, dahil kung talagang naniniwala tayong ang nais Niya ay ang pinakamainam para sa atin, maaari na nating ihinto ang pag-aalala tungkol sa hinaharap natin.

Isang bagay na kapansin-pansin sa sinabi ni Jesus ay, "Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay Niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan. (Mateo 6:33 RTPV05)

Higit na nababatid ni Jesus kung anong kailangan natin dito sa mundo kaysa mga sarili natin. Ngunit masyado ba nating binibigyang-pansin ang pagkakaroon ng magandang buhay kung kaya nakakalimutan na nating bigyang-pansin ang pang-walang hanggan? Alam nating hindi ang mundong ito ang ating tahanan. Ngunit madalas, maaari nating sambahin ang pagkakaroon ng kaginhawahan. Kung saan tayo nai-stress ay nagpapahayag kung anong binibigyang-halaga natin. Kung tayo ay laging nai-stress dahil nais nating matamo ang magagandang bagay dito, kailangan nating tanungin sa sarili natin kung ang puso ba natin ay naaayon sa kaharian ng Diyos o nakatuon sa pagtatayo ng sarili nating kaharian.

Bagama't kailangan nating gamitin ang mga kaloob at talentong mula sa Diyos upang maging iba tayo dito sa mundo at wala namang mali sa pagkakaroon ng ambisyon, kailangang tiyakin nating tama ang ating prayoridad. Unahin ninyo ang kaharian Niya—at pagkatapos nito ay ibibigay ang lahat ng mga bagay na kailangan ninyo.

Kaya't habang pinag-iisipan mo ang tungkol sa iyong stress, tanungin mo ang sarili mo kung saan ka umaasa. Ano ba ang pinahahalagahan mo?

Piliin mong unang pagtuunan ang Diyos. Piliing magtiwala na Siya ay isang mabuting Ama at kayang alagaan ka. At habang naililipat mo sa Diyos ang pagtutuon mo at palayo sa iyong sarili, mamamangha ka kung paanong hindi na ganoon kalaki ang stress na nararamdaman mo.

Pag-usapan Ito

  • Kung magiging tapat ka, ano ba talaga ang pinahahalagahan mo sa nagdaang panahon?
  • Ano ang ilan sa mga paraan upang masimulan mong ilipat ang iyong pagtutuon sa Panginoon at palayo sa iyong stress?
Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Freedom From Stress

Ang stress ay totoo, ngunit hindi nito kailangang patakbuhin ang iyong buhay. Kay Cristo, may kakayahan tayong tukuyin, at bigyan ito ng bagong kahulugan. Kung ikaw ay nakakaranas ng stress, suriin mo ang 5-araw na Gabay sa Bibliang ito upang malaman kung paano makakamit ang kalayaan at kapayapaan.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/