Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

'Kalakasan at Pag-asa' Mula Sa Mga AwitHalimbawa

'Kalakasan at Pag-asa' Mula Sa Mga Awit

ARAW 6 NG 7

MASAYANG PUSO 

Ang isa sa mga pinaka-mapagkumpitensyang negosyo sa panahong ito ay ang entertainment. Mula sa industriya ng media, internet, pelikula, turismo atbp, ay nagdudulot sa mga tao  na isipin na  ang lahat ng ito ay parte na ng  kanilang pangangailangan.

Sinasabi ng Biblia na kailangan ng tao ang kagalakan. Ito ang dahilan kung bakit nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa mundo upang pangunahan ng mga tao at magbigay lugod sa kanilang mga puso. Gayunpaman, nang ang tao ay nahulog sa kasalanan, ang mundo ay nasira. Ang mga tao ay humarap sa iba't ibang mga sakit at mga kabigatan ng buhay.
Nasaan ang totoong kasiyahan na maaaring magbigay kagalakan sa sangkatauhan? Masisiyahan lamang ang mga tao kung mapupunuan ang pagnanais ng kanilang puso. Ang mga kayamanan sa mundo ay hindi sapat na makapagpapasaya sa kanila. Si Solomon ang pinakamayaman sa buong mundo. Sinasabi sa atin ng Bibliya na pagkatapos ni Solomon, walang makalalampas sa kanyang mga kayamanan. Gayunman, sa aklat ng Eclesiastes, sinabi ni Solomon na ang lahat ay walang kabuluhan.
Ang Panginoon ay nagkaloob sa atin ng Banal na Espiritu bilang ating katulong at mang-aaliw. Ang kagalakan ng Banal ng Espiritu ay ang lakas ng mga mananampalataya.
Magalak dahil sa Panginoon, maging sa gitna ng bagyo. Hindi ito nangangahulugan na hindi natin pinapahalagahan ang ating mga problema, sa halip, pinalalakas tayo upang harapin ang mga ito at buksan ng Diyos ang kanyang pamamaraan at itaas tayo.

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

'Kalakasan at Pag-asa' Mula Sa Mga Awit

7 Araw na Pagninilay mula sa aklat ng mga Awit. Paalala ng Kaaliwan, Katatagan, Katiyakan Kaligtasan, Kagalakan at Pag-asa mula sa Kanyang mga Salita. Tutulungan tayo ng debosyong ito na patuloy na maghanap at magtiwala sa Diyos, sa gitna ng ating mga problema sa ating buhay. Nawa ang debosyong ito ay magbibigay sa atin ng bagong lakas at pag-asa habang patuloy tayong umaasa sa Kanya.

More

Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: https://www.bcs.org.sg/ministryfilipino