'Kalakasan at Pag-asa' Mula Sa Mga AwitHalimbawa
SA HARAPAN NG PANGINOON
Sino tayo sa harap ng Panginoon? Kung ihahambing sa iba pang nilalang, tayo ay Kanyang natatanging nilikha. Binigyan Niya tayo ng Kanyang espiritu na nagpapahintulot sa atin na maging konektado sa Kanya. Purihin ang Panginoon na ipinadala Niya si Jesucristo sa mundo upang ating maging tagapagligtas at tagapamagitan sa Ama sa langit. Nakipagkasundo tayo upang ang ating espiritu ay makasama ng Ama sa langit.
Una, makakonekta tayo sa Diyos sa pamamagitan ng mga awit o pagpupuri at pagsamba sa mga salita kapag tayo ay lumapit sa Kanya upang dalhin ang sakripisyo ng papuri. Ang handog na ito ay isang halimuyak at nakalulugod na insenso sa Panginoon. Hindi natin pinupuri ang Diyos upang masiyahan ang Kanyang puso at upang pagpapalain Niya tayo. Pinupuri natin ang Diyos dahil karapat-dapat Siyang tumanggap ng papuri dahil sa Kanyang dakilang mga gawa at pagmamahal na ipinakita Niya sa ating buhay.
Pangalawa, makakonekta tayo sa Diyos sa pamamagitan ng ating mga panalangin. Siya ay isang mabuting pastol. Sinasabi ng Panginoong Jesus na Siya ay isang mabuting pastol; ang mabuting pastol ay nakikinig at nakikilala niya ang kanyang mga tupa at alam ng mga tupa ang tinig ng kanilang pastol.
Ang Diyos ang ating Panginoon, Ama at pastol. Gayunpaman, huwag kalimutan na Siya rin ang Hari ng lahat ng mga hari at ang pinaka banal na hari na puno ng kaluwalhatian.
Samakatuwid, kailangan nating lumapit sa Kanya nang may dalisay na puso.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
7 Araw na Pagninilay mula sa aklat ng mga Awit. Paalala ng Kaaliwan, Katatagan, Katiyakan Kaligtasan, Kagalakan at Pag-asa mula sa Kanyang mga Salita. Tutulungan tayo ng debosyong ito na patuloy na maghanap at magtiwala sa Diyos, sa gitna ng ating mga problema sa ating buhay. Nawa ang debosyong ito ay magbibigay sa atin ng bagong lakas at pag-asa habang patuloy tayong umaasa sa Kanya.
More
Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: https://www.bcs.org.sg/ministryfilipino