'Kalakasan at Pag-asa' Mula Sa Mga AwitHalimbawa
INIHANDA NG DIYOS ANG PINAKAMABUTI
Dapat nating tuparin ang alituntuning ito araw-araw: Hindi kailanman nagkukulang ang Diyos na tuparin ang Kanyang pangako sa atin kahit na ito ay imposible, o tila napakahabang paghihintay na matupad ang pangako. Huwag kailanman mabigo kapag ang oras ay hindi pa dumating dahil nais na makita ng Diyos ang ating kahandaang tanggapin ang kanyang pangako sa ating buhay.
Inihahanda ng Dios ang pinakamabuti para sa atin, na Kanyang mga anak. Itinakda niya ang tamang oras para matanggap natin ang Kanyang tagumpay at pagpapala, sa panahon na tayo ay handa nang tanggapin ang mga ito. Bakit? Sapagkat kung hindi tayo handa, magiging mapagmataas tayo sa mga tao. Ihihiwalay tayo nito sa Panginoon at sa kanyang presensya.
Inihanda ni David ang kanyang sarili sa pangako ng Diyos para sa kanya - Si propeta Samuel ay nagpropesiya sa kanya na isang araw siya ay magiging hari ng Israel –at ito ay natupad. Ano ang mga pangako ng Diyos na hinihintay natin? Magtiwala na ito ay inihanda na ng Panginoon. Dapat nating ihanda ang ating sarili sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kapakumbabaan sa harap ng Panginoon dahil salungat Siya sa mga mapagmataas. Ipinakita ni David ang kapakumbaban na ito sa pamamagitan ng pag-amin ng kanyang mga kasalanan at pagkakamali sa harap ng Panginoon. Ito ay tumutukoy sa ating pang-araw araw na pagsisisi.
Kapag nakita ng Diyos ang ating mga puso ay handa na hindi Siya mag-aatubili na ipagkaloob ang Kanyang ipinangako sa atin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
7 Araw na Pagninilay mula sa aklat ng mga Awit. Paalala ng Kaaliwan, Katatagan, Katiyakan Kaligtasan, Kagalakan at Pag-asa mula sa Kanyang mga Salita. Tutulungan tayo ng debosyong ito na patuloy na maghanap at magtiwala sa Diyos, sa gitna ng ating mga problema sa ating buhay. Nawa ang debosyong ito ay magbibigay sa atin ng bagong lakas at pag-asa habang patuloy tayong umaasa sa Kanya.
More
Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: https://www.bcs.org.sg/ministryfilipino