Maliwanag na Pakikipagtipan: Mga Hangganan, Pagtatalik & RealidadHalimbawa
Panginoon, Siya na Ba?
Paano ko malalaman kung siya ang tamang tao para sa akin?
Kailan ko ito malalaman?
Ano ang magiging pakiramdam pag nalaman ito?
Palagi nating sinasabi sa mga tao, "Kung sino ang pakakasalan mo, kung gayon siya ang 'tamang tao' para sa iyo." Maaari mong sabihin, "Ngunit paano kung ikinasal ako sa maling tao?" Kung gayon ang magiging tugon namin sa iyo ay, "Kung gayon bakit ka nakipagtipan sa maling tao?"
Sana'y makatulong itong debosyonal na Maliwanag na Pakikipagtipan upang maging malinaw sa iyo ang sitwasyong iyon.
Ang pakikipagtipan ay dapat walang dudang nakakadagdag sa iyong buhay panalangin. Matatagpuan mo ang iyong sarili na nakikipag-usap sa Diyos tungkol sa taong iyong nakatipan at naghahanap ng mga sagot at mga palatandaan upang maituro ka sa tamang direksyon.
Sa maraming mga taon ng pakikipag-usap sa mga wala pang asawa, narito ang ilang mga hindi malilimutan at medyo nakakatuwang palatandaang hinahanap ng mga wala pang asawa mula sa Diyos.
1. Panginoon, kung siya ang tamang tao para sa akin, hayaan mong magsuot siya ng asul na damit sa simbahan ngayon.
2. Panginoon, Kung kinakailangan kong sumama sa kanila, hayaan mong tawagin akong bigla ng aking ina at sabihing, "Gumawa ako ng cherry pie,"
3. Panginoon, kung ito ay maling tao para sa akin, hayaan mong magsalita ang aking aso at sabihin ito sa akin. (Kadalasan ito ay kapag ayaw nilang sabihin ng Diyos sa kanila na ito ang maling tao para sa kanila.)
Sinuman ang karelasyon mo, nais mong malaman kung ito ay isang mabuting tao o hindi para sa iyo.
Sa simula ng pakikipagtipan, panatag ka lang na alam mong hindi mo kasama ang isang mamamatay-tao o isang stalker. Kapag lumalaon na ang inyong relasyon, nais mong malaman ang higit pa. Tandaan na hindi ka maaaring maging isang daang porsyentong sigurado sa anumang bagay. Iyon ang bagay tungkol sa mga relasyon — walang garantiya pagdating sa pakikipagtipan.
Gayunpaman, hindi mo nais na maglaan ng maraming taon ng iyong pamumuhunan sa maling tao. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga na sundin ang isang magandang estratehiya at plano na nagpapahintulot sa inyong dalawa na ligtas na galugarin ang pagkakataon kung ano ang maaaring mangyari sa inyong relasyon. Maaari itong humantong sa pag-aasawa, o maaaring magdulot ito sa inyong dalawa na magkaroon ng isang mapayapang kasunduan na oras na upang wakasan ang relasyon at magpatuloy sa inyong buhay.
Anuman ang maging resulta sa dulo, ikaw ay magiging masaya at magpapasalamat na ikaw ay nagkaroon ng plano patungkol sa pakikipagtipan.
Para sa dagdag pang impormasyon sa Dating In Black & White .
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Pagod na sa mga pakikipagtipang nagdadala ng kasawiang palad, pagkabigo, at malaking pagkawasak? Ang limang-araw na debosyonal na ito ay direktang magsasabi at maglalatag ng isang praktikal na plano na makakatulong sa pagsulong ng isang malusog at kasiya-siyang karanasan sa pakikipagtipan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga napatunayan nang mga prinsipyo at mga payo na maaaring magamit sa buong paglalakbay ng paggalugad ng relasyon.
More