Maliwanag na Pakikipagtipan: Mga Hangganan, Pagtatalik & RealidadHalimbawa
Huwag Makipag-date nang Mag-isa
Ang pakikipagtipan ay maaaring isa sa mga pinakamapagsapalaran at nakakatakot na bagay na magagawa mo. Sumasama ka sa isang taong gusto mo at siya naman, sana, ay gusto ka rin. Nagsisimula kang makipag-usap tungkol sa hinaharap at kung ano ang magiging pakiramdam at hitsura nito.
Masaya ito, kapanapanabik, at maaaring magdala sa iyo sa matinding emosyon ng ilang araw. Ang problema ay kapag nadala ka sa matinding emosyong ito, hindi mo na makita ang mga palatandaan ng pag-iingat o mga kasunduan sa pagtiwalag na dumating sa iyong paglalakbay sa pakikipagtipan.
Ang isang mahusay na kapareha sa pananagutan ay makakatulong sa iyo na makita ang panganib kapag ikaw ay masyadong nahumaling na sa pag-ibig kaya't hindi mo na makita ito at makikita nila ang mabuti kapag masyadong takot kang aminin ito. Kung walang pananagutan, may mas malaking posibilidad ng pagkabigo sa relasyon na maaaring mag-iwan ng wasak na damdamin, wasak na puso, at durog na espiritu.
Ang pagkakaroon ng pananagutan ay kinakailangan, kung ikaw ay makikipagtipan sa isang maayos na paraan. Ngayon, tandaan na upang maging epektibo ito, kakailanganin mong gawin nang tama ang dalawang bagay. Kailangan mong #1 mahanap ang tamang kapareha o mga kapareha sa pananagutan, at #2 kakailanganin mong maging matapat sa kanila sa lahat ng oras. Kung kailangan mong magsinungaling sa iyong kapareha sa pananagutan tungkol sa iyong relasyon, ito ay isang mahusay na pahiwatig na ang iyong relasyon ay lumampas na sa mga hangganan sa ilang lugar at nararamdaman mo nang kailangan itago ito.
Pagpili ng Isang Mabuting Kapareha sa Pananagutan
Napakahalaga na maingat mong pinipili ang iyong kapareha sa pananagutan. Kailangan itong maging isang tao na may mga paniniwalang tulad mo, mahal ka, at nais ang pinakamahusay para sa iyo. Kailangan din itong maging isang taong maaaring maging matapat sa iyo. Kailangan itong maging isang taong kaya mong tumanggap at magpasailalim, kahit hindi mo gusto ang maaari nilang sabihin.
Ang iyong kapareha sa pananagutan ay kailangang maging isang taong maaari mong puntahan kapag nahihirapan ka sa iyong relasyon, at makakatulong sa iyong harapin ang mga pakikibaka.
Marahil hindi magandang ideya para sa iyong maging kapareha sa pananagutan ang isang tao na hindi nagkaroon ng isang matagumpay na relasyon o isang taong nagdadala pa rin ng bagahe mula sa mga nakaraang relasyon.
Halimbawa ng Mabuting mga Kapareha sa Pananagutan
· Isang taong may matagumpay na buhay sa pag-aasawa
· Isang taong nasa puso ang pinakamabuti para sa iyo
Para sa dagdag pang impormasyon sa Dating In Black & White
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Pagod na sa mga pakikipagtipang nagdadala ng kasawiang palad, pagkabigo, at malaking pagkawasak? Ang limang-araw na debosyonal na ito ay direktang magsasabi at maglalatag ng isang praktikal na plano na makakatulong sa pagsulong ng isang malusog at kasiya-siyang karanasan sa pakikipagtipan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga napatunayan nang mga prinsipyo at mga payo na maaaring magamit sa buong paglalakbay ng paggalugad ng relasyon.
More