Maliwanag na Pakikipagtipan: Mga Hangganan, Pagtatalik & RealidadHalimbawa
Kapag ang Pagmamahal sa Kanila ay Nakakasakit sa Iyo—Paghahanap ng Kalakasang Bumitaw
Wala kang magagawa upang ang maling tao ay maging tamang tao para sa iyo. Alalahanin na tinalakay natin ang mga kasunduan sa pagbitaw sa ikatlong araw ng ganay na ito.
Maraming beses ang tao ay nahihirapan, naghihirap, at nasasaktan na bitawan ang isang tao na alam nilang hindi mabuti para sa kanila o sa kanilang kinabukasan. Kadalasan, dahil ito sa emosyonal na ugnayan nilang dalawa. Maaari din itong dahil sa mga pisikal na linyang natawid na sa relasyon, kabilang ang pakikipagtalik nang hindi pa kasal na nagreresulta sa pagkakaroon ng ugnayan ng kanilang mga kaluluwa.
Anuman ang sanhi, ito ang pagkatataon mong lumapit sa iyong kapareha sa pananagutan para sa tulong, gabay, at panalangin. Sasabihin ng lahat sa iyo, "Bumitiw ka na," ngunit sa anumang kadahilanan, susubukan mo pa ring kumapit at maghintay na magbago ang taong ito.
Ito ay kalaunang magiging isang paulit-ulit na pag-ikot sa iyong relasyon na magdudulot lang sa iyo ng sakit at sugat nang tuluy-tuloy. Kailangan mo ng isang tao sa panig mo upang matulungan kang gawin ang mahirap na desisyong ito.
Dapat mong ibigay ang sitwasyong ito sa Diyos at magtiwala na papatnubayan ka Niya sa masakit na prosesong ito upang palayain at pagalingin ang iyong nasasaktang puso at aliwin din ang ibang taong kasangkot dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Pagod na sa mga pakikipagtipang nagdadala ng kasawiang palad, pagkabigo, at malaking pagkawasak? Ang limang-araw na debosyonal na ito ay direktang magsasabi at maglalatag ng isang praktikal na plano na makakatulong sa pagsulong ng isang malusog at kasiya-siyang karanasan sa pakikipagtipan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga napatunayan nang mga prinsipyo at mga payo na maaaring magamit sa buong paglalakbay ng paggalugad ng relasyon.
More