Pagdadalamhati Nang May Pag-asa Pagkatapos Makunan at Mawalan Ni Adriel BookerHalimbawa
Ika-6 na Araw
Isang Makapigil-Hiningang Pangako
Banal na Kasulatan: Mateo 1:23
Pinangalanan naming mag-asawa ang aming anak na nawala na Scarlett Grace. Ang Scarlett ay para sa sakit, sa paghihirap, sa buhay na inialay na may kahalong pag-asa at muling pagkabuhay. Ang Grace ay para sa posibilidad at layunin—ang makapigil-hiningang katiyakan na ang Diyos ay matatagpuan sa aming paghihirap. Ang pangako ng Diyos sa amin ay hindi ang masamang bagay ay hindi mangyayari, kundi Siya ay kasama namin sa kabila ng lahat ng ito—Emmanuel, kasama natin ang Diyos.
Nagsisimula na naming makita ito.
Ang sakit na aming tiniis pagkatapos na mawala si Scarlett ay naghayag ng mga butas sa aming teolohiya—unang-una, na kami ay walang teolohiya ng paghihirap. Subalit kami ay nanggagaling sa malalim na pagkaunawa na kung ang paghihirap ay nagmula sa sira pa ring mundo—malamang—matatagpuan din Siya rito.
Kung tutuusin nauunawaan namin ito, subalit ang aming pagtataka sa harap ng walang hanggang sakit ay nagpatunay ng kakulangan sa aming kaalaman. Sa madaling salita, hindi namin ipinamuhay kung ano ang aming pinaniniwalaan dahil hindi kami nagkaroon ng pagkakataon.
Bagaman tiyak namin na ang Diyos ay hindi ang pinanggalingan ng aming paghihirap, si Ryan at ako ay nagsisimula pa lamang na matutunan na ang mismong bagay na ginamit ng kaaway ng aming mga kaluluwa laban sa amin ay maaaring mabago sa pamamagitan ng mapagtubos na kamay ng Diyos. Itong mapaghimalang Diyos ay nasa proseso ng pagbabago ng aming malupit na pangungulila patungo sa paanyaya sa mas dakilang buhay. Hindi pa namin ito nakikita, ngunit ang Diyos ay umaaligid, naghahanda na lumikha ng isang bagay na bago katulad ng palagi Niyang ginagawa kapag ang pawang nakikita namin ay madilim, walang hugis, at kahungkagan.
Dinala kami ni Scarlett sa mas malalim. Subalit upang pumunta doon kinailangan na kami ay handang alisin ang aming likas na damdamin upang hadlangan, itigil, at supilin ang aming sakit. Kinailangan naming labanan ang udyok upang malaman kung paano ihiwalay ang aming pagdadadalamhati o labanan ang aming kabiguan. Kinailangan naming tanggihan ang pangangailangan na malaman kung paano ito maisusulat sa kuwento ng tagumpay. Kinailangan na kami ay pumasok sa ganitong kalagayan.
Ang larawan ng langit ay nagmumula sa mga mabababang dako. Ito ay nahayag nang si Jesus ay pinayagang pumasok sa buhay ng mga taong nakakaalam ng kanilang pangangailangan sa Kaniya: ang babaeng nahuli sa pangangalunya, isang bungangerong mainitin ang ulo, terorista, magnanakaw, ang lalaking desperado at ang kaniyang anak, ang may sakit na itinakwil ng lipunan...ang ina na nakatitig sa blangkong screen ng ultrasound. Ang langit ay hindi lamang isang patutunguhan; ito ay Espiritu ng Diyos na sumusulat ng kuwento ng pagtubos dito mismo at ngayon din.
Sa anong mga paraan ang iyong pangungulila ay nagpapabago ng iyong pananaw sa Diyos? Nararamdaman mo ba ang presensya ng Diyos (“Kasama natin ang Diyos”) kahit na tayo ay naghihirap—bakit o bakit hindi?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang debosyonal na ito ay isang paanyaya upang maramdaman, makipaglaban, maging lubos na gising sa iyong paghihirap pagkatapos makunan o iba pang pagkawala. Ito rin ay isang paanyaya na dapat pangalagaan at unawain at dapat marinig mula sa ibang kababaihan na ang sakit ay bumubuti, habang tayo ay nananabik sa araw na ang ating mga luha ay napahid na at ang sakit ay wala na. Kahit nasaan ka man sa iyong lakbayin ng pagdadalamhati pagkatapos mawalan ng sanggol—o kahit anumang uri ng personal na pighati o paghihirap—idinadalangin ko na ang mga salitang ito ay magiging pintuan para sa biyaya ng Diyos. Sabay nating suriin ito nang malalim.
More