Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagdadalamhati Nang May Pag-asa Pagkatapos Makunan at Mawalan Ni Adriel BookerHalimbawa

Grieving With Hope After Miscarriage And Loss By Adriel Booker

ARAW 3 NG 7

Ika-3 Araw

Kagandahan na Kapalit ng mga Abo

Banal na Kasulatan: Isaias 61:3


Makikita mo ito habang ikaw ay nagdadalamhati: May mga ilang araw na mayroon kang lakas na kilalanin nang malalim si Jesus—at katatagpuin ka Niya doon. Sa ibang mga araw halos hindi natin makuhang lumapit sa Kaniya—at katatagpuin ka rin Niya roon. Ang biyaya ng Diyos ay sapat para sa dalawang ito. 

Siya ay hindi nakaasa sa ating lakas, tibay, kawastuhan, o espirituwal na kalamnan. Ang kinakailangan lamang ay ag espirituwal na pagnanais natin, ang ating mahinang oo, at tayo ay isasama Niya. Ang ating kahinaan ay naglalabas ng Kaniyang kalakasan. Ang Kaniyang lakas ay nakikita sa ating pagtitiwala. Ang mga tao ay mayroong kapansin-pansing kakayahan na pagtiisan ang paghihirap kung sila ay kumukuha sa kanilang panloob na lakas, subalit kung ang pinanggagalingan ng iyong panloob na lakas ay mula sa isang bagay— sa Kaniya—na higit sa iyong sarili, ang sisidlan ay mas malaki kaysa sa iyong maaaring isipin. 

Ang paghihirap ay hindi pumipili ng mahina o malakas, ng matapat o walang pananampalataya. Ito ay pumipili ng tao. Kung ikaw ay tinangay ng alon na mas malaki kaysa sa iyong kakayanan na manatili sa ibabaw ng tubig, kailangang hayaan mo ang iyong puso na maramdaman ang sakit hanggang sa ilalim, upang kung makarating ka roon ay malalaman mo na buhay ka pa. Mayroon pang pag-asa. Doon sa ilalim tayo maaaring magsimula na pagalingin ang ating daan pataas patungo sa ibabaw. Ang puso ng tao ay marupok, oo, subalit ito rin ay mas matatag kaysa sa inaakala natin.

Hindi ang lalim ang ating kaaway o ang bagay na nilalabanan. Subalit, ito ay kumukuha ng ating pansin. Sa anumang anyo, ang paghihirap ay palaging kumukuha ng ating pansin. Hindi ito mapagagaan ng paghahambing ng mas higit o mas kakaunting paghihirap, o maging ng ating pananaw dito. Ang iyong sakit ay sa iyo at nararapat dito ang dangal ng pagkilala, at dito nagsisimula ang kagalingan. 

Ang pagkilala sa ating paghihirap ay hindi nangangahulugan na natutukoy na tayo rito. Sa halip, ito ay nangangahulugan ng matapat na pagkilala ng ating pangangailangan sa harapan ng Diyos. Ang ating pagpapakumbaba ay nagpapalaya sa atin upang tanggapin ang Kaniyang biyaya. Ang Kaniyang kagandahan kapalit ng mga abo—ang dakilang kapalit, ang tugon ng Diyos sa ating sakit. 

Ang ating kasalukuyang paghihirap ay pinakamabuting paalaala na ang buhay ay nagbibigay ng higit sa ating makakaya, ito ang mismong dahilan kung bakit kailangan natin si Jesus. 


Naramdaman mo na ba ang lakas na "bumulusok nang malalim"? (Bakit o bakit hindi?) Sa anong paraan na ang iyong kapighatian ay nakaapekto sa iyong kaugnayan sa Diyos?


Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Grieving With Hope After Miscarriage And Loss By Adriel Booker

Ang debosyonal na ito ay isang paanyaya upang maramdaman, makipaglaban, maging lubos na gising sa iyong paghihirap pagkatapos makunan o iba pang pagkawala. Ito rin ay isang paanyaya na dapat pangalagaan at unawain at dapat marinig mula sa ibang kababaihan na ang sakit ay bumubuti, habang tayo ay nananabik sa araw na ang ating mga luha ay napahid na at ang sakit ay wala na. Kahit nasaan ka man sa iyong lakbayin ng pagdadalamhati pagkatapos mawalan ng sanggol—o kahit anumang uri ng personal na pighati o paghihirap—idinadalangin ko na ang mga salitang ito ay magiging pintuan para sa biyaya ng Diyos. Sabay nating suriin ito nang malalim.

More

Nais naming pasalamatan ang Baker Publishing sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://adrielbooker.com/