Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagdadalamhati Nang May Pag-asa Pagkatapos Makunan at Mawalan Ni Adriel BookerHalimbawa

Grieving With Hope After Miscarriage And Loss By Adriel Booker

ARAW 1 NG 7

Unang Araw

Patungo sa Ilalim

Banal na Kasulatan: Mga Panaghoy 3:19-24


Maaring ang iyong pagdadalamhati ay bago at sariwa at at ikaw ay dumaranas pa rin ng nakasasakal na dagok nang makunan kamakailan lang. O maaaring matagal mo nang ibinaon ang isang lihim na pagdadalamhati subalit mayroon sa iyong kalooban na sumusubok na manalig muli sa sakit. Hindi ko masasagot ang malawak na "bakit" sa iyong kirot nang ikaw ay makunan, subalit maaari kong patunayan at tulungan ka na maunawaan ang iyong sakit at pagdadalamhati. Nais kong hawakan ang iyong mga kamay sa pag-asa habang sabay nating pinagmamasdan ang pagdating ng araw na gagawing bago ni Jesus ang lahat. 

Natuklasan ko ang isang bagay nang mga unang araw pagkatapos na ako ay makunan, nang ang pagdadalamhati ay dumating na humahampas na may pambihrang lakas: kung hindi ako sumisid, ang mga alon ng pagdadalamhati ay tiyak na hahampas sa akin. Sa surfing, ito ay tinatawag na "duck dive." Si Apostol Pablo ay tinawag ito na "nakatagong kasama ni Cristo” (Mga Taga-Colossas 3:3).

Tinatawag ko itong kaligtasan. 

Habang sinisimulan kong sanayin ang aking sariling pagsisid pagkatapos mawala ang aming anak, si Scarlett Grace, nang ako ay makunan, at mawalan ulit ng dalawa pang sanggol, natuklasan ko na sa katunayan, ito ay higit pa sa kaligtasan. Ito ay paanyaya: Matatagpuan ko ba si Jesus sa kailaliman? 

Normal lang na mapuno ng mga tanong kung nakakaranas ng mapapait na karanasan. Ano ang nagawa ko para danasin ito? Kasalanan ko ba ito? Bakit hinayaan ng Diyos na ito ay mangyari? Pinarurusahan Niya ba ako dahil sa isang bagay? Paano kung ang Diyos ay hind katulad ng pag-aakala ko sa Kaniya? Paano ako magpapatuloy sa buhay na katulad ng dati? Mararamdaman ko bang maging normal muli? Ang Diyos ba—o ang Kaniyang kabutihan ba—ay totoo? Paano kung ang aking buong pananampalataya ay huwad? 

Dahil ang pagdadalamhati ng pagkalaglag ay karaniwang hindi naisisiwalat, ang mga ganitong uri ng katanungan ay maaaring magpahina ng kaluluwa at tiwala ng isang babae habang sinusubukan niyang balikatin ang bigat na iyon nang lihim. Ngunit sasabihin ko ito sa iyo: Parang imposible, subalit magagawa mo ito. Maaari kang mawalan at magdalamhati at umasa. Ang kapangyarihan ng pagdadalamhati ay maaari, at kung minsan, ay makakaakit sa atin. Subalit, maaari nating matutunan na huminga sa ilalim. Maaari rin nating matutunan na buksan ang ating mata doon. Tayo ay maaaring magdalamhati nang may pag-asa. Maaaring tayo ay may sugatang o durog na puso, subalit hindi tayo mawawasak. Maaari nating matagpuan na, sa ating kahinaan, tayo ay mas malakas sa ating inaakala. 


Anong mga katanungan ang mayroon ka sa ngayon tungkol sa iyong pangungulila? Subukang isulat ang mga ito.


Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Grieving With Hope After Miscarriage And Loss By Adriel Booker

Ang debosyonal na ito ay isang paanyaya upang maramdaman, makipaglaban, maging lubos na gising sa iyong paghihirap pagkatapos makunan o iba pang pagkawala. Ito rin ay isang paanyaya na dapat pangalagaan at unawain at dapat marinig mula sa ibang kababaihan na ang sakit ay bumubuti, habang tayo ay nananabik sa araw na ang ating mga luha ay napahid na at ang sakit ay wala na. Kahit nasaan ka man sa iyong lakbayin ng pagdadalamhati pagkatapos mawalan ng sanggol—o kahit anumang uri ng personal na pighati o paghihirap—idinadalangin ko na ang mga salitang ito ay magiging pintuan para sa biyaya ng Diyos. Sabay nating suriin ito nang malalim.

More

Nais naming pasalamatan ang Baker Publishing sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://adrielbooker.com/