Panalangin Para Sa IsraelHalimbawa
![Praying For Israel](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11562%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Panalangin para sa Israel: Kaligtasan
Ang interes sa relihiyon ng mga Hudyo, maging sa Israel man o sa ibang bansa, ay gaya lamang ng iba pang mga tao. Ang iba ay sinusunod ang kanilang pananampalataya nang may debosyon, ang ilan ay madalang, at ang iba ay hindi yumayakap sa anumang espiritwal na paniniwala. Ngunit ang Biblia ay malinaw nang sinabi nito na walang iba pang daan patungo sa Ama kundi sa pamamagitan ni Yeshua (Jesus). Ang mga Hudyo ay walang ibang landas para sa kaligtasan; ito ay nanggagaling lamang sa pananampalataya sa Mesiyas na si Jesus. Manalangin para sa:
- Gutom at inggit sa puso ng mga Hudyo na makilala si Jesus.
- Pagiging bukas upang makita na marami sa propesiya ng Mesiyas galing sa Lumang Tipan ay natupad na ni Yeshua.
- Maalis ang pagkabulag sa mata ng mga Hudyo upang kanilang makita si Yeshua bilang Mesiyas na ipinangako sa kanilang Banal na Kasulatan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Praying For Israel](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11562%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
70 taon na ang nakalipas nang ideklara ng Israel ang kanilang kalayaan. Ang hindi inaasahang pagsilang ng maliit na demokrasyang ito ay kumatawan sa isang himalang namumukod-tangi at pambihirang katuparan ng propesiyang biblikal. Sinasabi ng Biblia na dapat nating ipanalangin ang kapayapaan sa Jerusalem. Narito ang mga pamamaraan kung papaano manalangin:
More