Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Panalangin Para Sa IsraelHalimbawa

Praying For Israel

ARAW 4 NG 5

Panalangin para sa Israel: Mga Grupo ng mga Tao

Ang bawat lipunan ay mayroong grupo ng mga taong nagkakaisa dahil sa magkakaparehong layunin. Narito ang ilang grupo sa Israel na maari mong itaas sa Panginoon sa panalangin:

Mga nakaligtas sa Holocaust Ang henerasyon ng mga nakaligtas sa Holocaust ay nababawasan araw-araw. Ang mahalagang porsyento ng mga nakaligtas na nakakatanda ay namumuhay sa kahirapan sa Israel at nakikipagbaka sa kalungkutan. Ipanalangin na ang kanilang mga pangangailangan ay matugunan - pangangailangang pisikal, emosyonal at espiritwal. Ipanalanging buksan ng Diyos ang kanilang mga mata sa Mesiyas Yeshua (si Jesus) at Siya ay kanilang tanggapin nang may pananampalataya.

 
Mga Dayuhan Sinabi ng Diyos na Kanyang titipunin ang Kanyang bayan pabalik sa Israel. Ang mga Hudyo mula sa buong mundo ay nag-aasam na "gumawa ng Aliyah" o dumayo sa Israel. Marami na ang lumipat galing sa Ethiopia, India, Russia at iba pang mga bansa. Ngunit nang naroon na, hindi laging madali ang naging buhay nila. Ang mga hadlang sa wika, edukasyon, at kasanayan ay madalas na nagbibigay ng mga mahihirap na pagsubok. Ipanalanging ang mga dayuhang ito ng Israel ay matuto at lumago. Ipanalangin ding kanilang marinig ang Mabuting Balita at magtiwala kay Yeshua. 


Mga Nananampalataya sa Mesiyas Ang Israel ay may daan-daang libong Hudyo na naniniwala sa Mesiyas at nagnanais na ang kanilang mga kapatid na Hudyo ay manampalataya kay Jesus, ang Hudyong Mesiyas. Ipanalangin ang mga Mananampalatayang ito, upang sila ay gamitin ng Diyos na ihayag ang Kanyang pag-ibig at ang Mabuting Balita sa mga nakapaligid sa kanila. 

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Praying For Israel

70 taon na ang nakalipas nang ideklara ng Israel ang kanilang kalayaan. Ang hindi inaasahang pagsilang ng maliit na demokrasyang ito ay kumatawan sa isang himalang namumukod-tangi at pambihirang katuparan ng propesiyang biblikal. Sinasabi ng Biblia na dapat nating ipanalangin ang kapayapaan sa Jerusalem. Narito ang mga pamamaraan kung papaano manalangin:

More

Nais namin pasalamatan ang Jewish Voice Ministries International para sa planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin: https://www.jewishvoice.org/read/blog/12-ways-pray-against-anti-semitism