Panalangin Para Sa IsraelHalimbawa

Panalangin para sa Israel: Laban sa Anti-Semitism sa buong Mundo
Ito ay nakakalungkot na tanggapin, ngunit ang Anti-Semitism ay nagiging laganap. Ang mga insidente lamang sa U.S ay tumaas ng 57% noong 2017 kaysa noong 2016. Kasama sa bilang ang malapit na pag-doble ng mga kaganapan sa mga paaralan at mga kampus sa kolehiyo simula unang taon hanggang sa mga sumusunod. Ang Anti-Semitiism ay isang mapanganib na pagkiling na napatunayan na ng kasaysayan na maaring maghatid ng matindi at malawakang karahasan. Manalangin para sa:
- Paglantad at pagbabawal ng mga planong Anti-Semitic na karahasan o paninira bago pa ito maging sanhi ng pinsala.
- Katapusan ng Anti-Semitism sa mga paaralan mula sa mga estudyante at mga guro.
- Kamalayan sa mga maliliit ng uri ng Anti-Semitism kahit mula sa mga Cristiano at sa Simbahan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

70 taon na ang nakalipas nang ideklara ng Israel ang kanilang kalayaan. Ang hindi inaasahang pagsilang ng maliit na demokrasyang ito ay kumatawan sa isang himalang namumukod-tangi at pambihirang katuparan ng propesiyang biblikal. Sinasabi ng Biblia na dapat nating ipanalangin ang kapayapaan sa Jerusalem. Narito ang mga pamamaraan kung papaano manalangin:
More