Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng DiyosHalimbawa

Time Management Principles From God’s Word

ARAW 2 NG 6

Itakda ang Iyong mga Hangganan

Sa kabuuan ng mga ebanghelyo, paulit-ulit na binabanggit nina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan ang dami ng oras na ginugol ni Jesus sa pag-iisa—na malayo sa mga alagad, sa mga pulutong, at sa kaabalahan ng Kanyang ministeryo. Ang madalas na pagbanggit sa ugaling ito ay nagpapahiwatig na si Jesus ay isang dalubhasa sa pagtatakda ng mga hangganan sa Kanyang panahon. Gayundin, kung nais nating epektibong pamahalaan ang ating oras at gumawa ng ating pinakamalaking kontribusyon sa mundo, dapat din tayong magtatag ng malinaw na mga hangganan sa ating mga iskedyul.

Tulad ni Jesus, ito ay dapat magsimula sa pamamagitan ng paglalaan ng regular na oras para sa panalangin (Marcos 1:35) at pag-aaral ng Salita ng Diyos. Karamihan sa atin ay nasanay na sa ideya ng ikapu ng ating pera. Ngunit ano naman ang tungkol sa pagbibigay ng ikapu sa ating panahon? Kung pupunuin natin ang ating mga iskedyul ng mga hinihingi mula sa trabaho at tahanan at pagkatapos ay magsisikap na humanap ng oras na gugulin sa panalangin at pag-aaral ng Salita ng Diyos, itinatakda natin ang ating sarili para sa kabiguan. Bago ka tumuloy sa pag-aaral na ito, maglaan ng ilang oras upang matukoy kung anong oras ka magbibigay ng ikapu sa pananalangin at pag-aaral ng Banal na Kasulatan araw-araw.

Kapag nakapagtakda ka na ng malinaw na mga hangganan sa iyong iskedyul para sa mga espirituwal na disiplina, makatutulong na gumawa ng ganito ring paglalaan ng iyong oras sa bahay at sa trabaho. Para sa akin, ang isang regular na gawain ay tumutulong sa akin na panatilihin ang aking "balanse sa trabaho-at-buhay sa pamilya". Halos araw-araw, 4:45 a.m. ang punta ko sa opisina at 4:00 p.m. naman ako nakakarating sa bahay sa hapon. Ang inaasahang iskedyul na ito ay nagbibigay sa akin ng malinaw na mga hangganan kung saan pinipilit ko ang aking sarili na ituon ang aking trabaho. Tapos na ba ang trabaho ko? Syempre hindi. Ngunit magiging totoo iyon kung magtatrabaho ako hanggang 5:00, 6:00, o 10:00. Walang bagay na talagang tapos na. Ang pagkakaroon ng nakatakdang linya sa aking iskedyul para sa pagtatapos ng aking araw sa opisina ay nagsisiguro na marami akong oras na gugugulin kasama ang aking asawa, mga anak, at pamilya ng simbahan.

Kung hindi ka maglalaan ng oras upang magtakda ng mga hangganan sa iyong iskedyul, may ibang gagawa nito. Kung hindi mo pa nagagawa, sundin ang pangunguna ni Jesus at magtakda ng malinaw na mga hangganan kung saan mo gugugulin ang iyong oras. Ito ang unang hakbang sa pagkuha ng kontrol sa iyong kalendaryo at pamamahala ng iyong oras nang maayos.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Time Management Principles From God’s Word

Nalulungkot ka ba dahil sa hindi humihigit sa 24 ang mga oras sa isang araw? Natatabunan ka ba sa dami ng mga gawaing nakasulat sa iyong listahan ng mga dapat gawin? Pagod ka na ba sa pagiging pagod at walang sapat na panahon upang gugulin sa mga Salita ng Diyos at panahon para rin sa iyong mga kaibigan at pamilya? Ito ang ilan sa mga pangkaraniwang hamong kinakaharap natin sa mundo. Ang mabuting balita ay ang katotohanang ang Biblia ay nagbibigay ng malinaw na mga alituntunin upang mapangasiwaan natin ang ating oras sa maayos na pamamaraan. Ipaliliwanag ng gabay na ito ang mga nakasulat sa Banal na Kasulatan na magbibigay sa iyo ng mga praktikal na payo kung paano mong magagamit nang maayos ang natitira mong panahon sa iyong buhay!

More

Nais naming pasalamatan si Jordan Raynor sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.jordanraynor.com/time/