Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Marlon Molmisa: Young Christ-like MoversHalimbawa

Marlon Molmisa: Young Christ-like Movers

ARAW 7 NG 7

Don’t Mind the Giants

“Age doesn’t matter”. Akala natin sa pag-ibig lang applicable . Pati rin pala sa tunay na buhay.. Minsan, may nagsabi sa akin na Christian youth: “Kuya Marlon, natatakot ako maging youth leader sa campus kasi marami naman magagaling sa amin. Focus nalang ako sa pag-aaral ko”.Pagkatapos niyang sabihin iyon, may biglang tumunog na wang-wang sa isip ko.

Maraming kabataan na raw ngayon ay ‘apathetic’ sa mga nagaganap sa lipunan. Ibig sabihin, ‘wa pakels’. May isang propesiya si Pablol: darating ang huling panahon kung saan ang henerasyon ay magiging ‘selfish’ at ‘lovers of money and themselves’ (2 Tim. 3:1). In short, higit sa pagiging ‘Selfie Generation’, sila ay magiging selfish generation. eWe are called to help people succeed as we pursue our dreams.

We are also called by God to do great things. Pero Maraming hadlang na ginagawa ang kaaway ng ating kaluluwa para hindi natin matupad ang ating mga pangarap. His job is to distract and frustrate us. Kapag tayo nagkakasala, he condemns us thus stealing the joy of salvation in our hearts.

David was like that when he faced the 8 feet-tall warrior named Goliath. Alam niyang ‘underdog’ siya. Dehado. Weakling sa paningin ng kaaway. Minamaliit pa siya kahit ng mga kababayan niya. But in his heart, subukan ko kaya? He had the confidence because he knew God was with him. His bold faith led him to get out of his comfort zone.

Siguro ganito ang sinabi ni David sa isip-isip niya: “Kahit kabataan lang ako sa tingin niyo, handa akong mamatay para sa bayan ko. Com’on! Patutumbahin ka Goliath Diyos ko!” Ito ang good version ng apathy.Wa pakels sa masasagupa nating ‘giants’ ng buhay. Hindi iniiisip na bata lang at walang magagawa. When we see big waves, we should fix our eyes on Jesus. When the storm gets worst, our hearts are peaceful in Him. We will soar like eagles and He will renew our strength.

Those who depend on God are not afraid of life’s giants. Kapag nakatuon tayo sa mga higanteng problema, lumiliit ang tingin natin sa Diyos. Pero kung nakatuon ang ating paningin natin sa ating dakilang Diyos, langgam lang ang lahat ng mga giants sa ating harapan.

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Marlon Molmisa: Young Christ-like Movers

Our world needs young Christ-like movers. You can be one of them. Habang busy ang ibang kabataan sa trip nila sa buhay, nandito ka, binabasa ang Youth Leadership Devotional na ito. Magandang choice yan! Decide to make an impact to our nation. Hawak mo ang susunod na henerasyon. God wants to use you to make His Name famous in our generation.

More

This plan was created by Marlon Molmisa. For more information, please visit: www.kuyamarlon.com