Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Marlon Molmisa: Young Christ-like MoversHalimbawa

Marlon Molmisa: Young Christ-like Movers

ARAW 4 NG 7

In Our Youth Days

Marami akong naririnig na preachers na nagsasabing, “Sayang, hindi ko agad nakilala si Lord noong aking kabataan. Mas madami pa sana akong nagawa para sa Kanya”. Pero kasabay nito marami rin akong naririnig na kabataang nagsasabing, “Tsaka na lang ako maglilingkod kapag matanda na ko. Mag-eenjoy muna ako.”. Uso nga pala sa mga kabataan ngayon iyong salitang YOLO – You Only Live Once. Minsan lang daw mabubuhay kaya i-enjoy muna to the max! Teka nga, may tanong lang ako. Gaano ba tayo kasigurado sa haba ng buhay natin sa mundo? The fact is: Ewan. Walang nakakaalam.

The Bible commands us to “Remember our Creator in the days of our youth”. To remember is to “bring something into memory”. Kaso parang passive. When God remembered His people noong panahon ni Moses, He brought them out from slavery. Hindi lang passive ang “remember” dito kundi active. Ibig sabihin, as we acknowledge God, we must also love and obey Him.

Mapalad ang mga kabataan na nakilala ang Diyos sa murang edad. Huwag na nating hintayin ang bukas dahil hindi tayo sigurado sa magaganap sa hinaharap.. Sabi nga ng isang awit, we are like “a flower quickly fading. Here today and gone tomorrow”. Huwag na rin nating hintayin na tayo ay tumanda at uugod ugod na. Habang tayo ay may lakas pa, magpagamit na tayo sa Diyos na lumikha sa atin. Hindi naman kalugihan na magbigay ng buhay sa Kaniya. The more we lose our life for Him, the more we gain it.

We are created for one purpose and that is to give glory to God in everything that we do. The significance of our life is not measured by the length of our stay in this world but by how we use our days to give glory and praises before our God.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Marlon Molmisa: Young Christ-like Movers

Our world needs young Christ-like movers. You can be one of them. Habang busy ang ibang kabataan sa trip nila sa buhay, nandito ka, binabasa ang Youth Leadership Devotional na ito. Magandang choice yan! Decide to make an impact to our nation. Hawak mo ang susunod na henerasyon. God wants to use you to make His Name famous in our generation.

More

This plan was created by Marlon Molmisa. For more information, please visit: www.kuyamarlon.com