Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Marlon Molmisa: Young Christ-like MoversHalimbawa

Marlon Molmisa: Young Christ-like Movers

ARAW 2 NG 7

The Prayer of a Leader

Naalala ko ang aking klasmeyt. Itago nalang natin siya sa pangalang Berto. Tuwing class election, parati niyang nino-nominate ang sarili niya. Sa sobrang kagustuhang maging class officer, nanalo nga siya! Matalino rin naman kasi si Berto. Dahil doon, napagaya ako sa style niya. Ni-nominate ko rin ang sarili ko para maging class officer.Sa halip na boto, mga binilog na papel ang natanggap ko na ibinato sa akin. Sabay sigaw ng- 'Boooh!' Wala silang tiwala sa akin kasi sa ranking ng klase na may 40 estudyante, 40th ako.

I am always reminded by how God changed me. It's a perfect picture of God's amazing grace. Iba kasi ang paningin ng mundo sa pananaw ng Diyos. Iba rin ang standards ng tao sa standards ni Lord. The world would judge your success based on the things that are temporal such as your looks, grade sa class cards, mala-palasyong bahay, malupet na sasakyan, pera sa bank account, at facebook likes.

But God holds a different standard. Sinabi Niya kay Prophet Nathan, He does not look at the things people look at. People look at the outward appearance, but He looks at the heart.' (1 Samuel 16:7). Walang pakielam si Lord sa achievements natin. Makuha man natin ang lahat ng bagay sa mundo, kung hindi banal at puro ang ating puso sa Kaniyang harapan, balewala ang lahat. The real and lasting achievement is to be used by God for His own glory.

Kung mayroon mang isang prayer na parating YES ang sagot ni Lord, ito ay ang 'Panginoon, naririto ako. Gamitin mo ang buhay ko para sa ikakadakila Niyo.' Naniniwala akong nakaramdam si propet Isaiah ng hiya bago niya sabihin ito. Napakadumi ng tingin niya sa kanyang sarili. Ngunit nangibabaw ang kanyang pagmamahal sa Diyos at sa kanyang mga kababayan. Don't mind what others think about you. Kahit bokya ka parati sa quiz, parating palyado sa buhay, at anuman ang estado mo, hindi iyon ang mas mahalaga kay Lord. . God can make you a better person if you are willing and available to be used by Him. He can make you a man/woman of influence. He is always ready to use you? Willing ka ba? Handa ka bang ialay ang buhay mo sa Kaniya?Tiwala lang sa Kaniya, kapatid.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Marlon Molmisa: Young Christ-like Movers

Our world needs young Christ-like movers. You can be one of them. Habang busy ang ibang kabataan sa trip nila sa buhay, nandito ka, binabasa ang Youth Leadership Devotional na ito. Magandang choice yan! Decide to make an impact to our nation. Hawak mo ang susunod na henerasyon. God wants to use you to make His Name famous in our generation.

More

This plan was created by Marlon Molmisa. For more information, please visit: www.kuyamarlon.com