Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Awit ni Solomon 6:1-3

Ang Awit ni Solomon 6:1-3 RTPV05

O babaing napakaganda, giliw mo'y saan ba nagpunta? Ika'y aming tutulungan sa paghanap mo sa kanya. Ang mahal kong kasintahan ay nagpunta do'n sa hardin, sa hardin na ang halama'y mababangong mga tanim upang kawan ay bantayan at ang liryo ay pitasin. Ang irog ko'y akin lamang, at sa kanya naman ako; sa kanya na nagpapastol ng kawan sa mga liryo.