Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ANG AWIT NG MGA AWIT 6:1-3

ANG AWIT NG MGA AWIT 6:1-3 ABTAG

Saan naparoon ang iyong sinisinta, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae? Saan tumungo ang iyong sinisinta, Upang siya'y aming mahanap na kasama mo? Ang sinisinta ko'y bumaba sa kaniyang halamanan, Sa mga pitak ng mga especia, Upang magaliw sa mga halaman, at upang mamitas ng mga lila. Ako'y sa aking sinisinta, at ang sinisinta ko ay akin: Pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.