Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 73:25-28

Mga Awit 73:25-28 RTPV05

Sino pa sa langit, kundi ikaw lamang, at maging sa lupa'y, aking kailangan? Puso ko't kaluluwa kung nanghihina man, ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan. Yaong hihiwalay sa iyo'y mamamatay, at ang nagtataksil wawasaking tunay. Ngunit sa sarili, tanging hangarin ko, sa piling ng Diyos manatili ako! Sa piling ng Panginoong Yahweh, ako'y mapanatag, ang kanyang ginawa'y aking ihahayag.