Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 73:25-28

MGA AWIT 73:25-28 ABTAG

Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw? At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo. Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay: Nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at bahagi ko magpakailan man. Sapagka't narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol: Iyong ibinuwal silang lahat, na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo. Nguni't mabuti sa akin na lumapit sa Dios; Ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios, Upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.