Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 73:25-28

Salmo 73:25-28 ASND

Walang sinuman sa langit ang kailangan ko kundi kayo lamang. At walang sinuman sa mundo ang hinahangad ko maliban sa inyo. Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Dios, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman. Ang mga taong lumalayo sa inyo ay tiyak na mapapahamak. Ang mga nagtaksil sa inyo ay lilipuling lahat. Ngunit ako, minabuti kong maging malapit sa Dios. Kayo, Panginoong DIOS, ang pinili kong kanlungan, upang maihayag ko ang lahat ng inyong mga ginawa.