Sumigaw sa galak ang mga nilalang! At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay! Awitan siya't luwalhatiin siya! Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila: “Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga; yuyuko sa takot ang mga kaaway, dahilan sa taglay mong kapangyarihan. Ang lahat sa lupa ika'y sinasamba, awit ng papuri yaong kinakanta; ang iyong pangala'y pinupuri nila.” (Selah) Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan, ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.
Basahin Mga Awit 66
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 66:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas