Mga Awit 66:1-5
Mga Awit 66:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sumigaw sa galak ang mga nilalang! At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay! Awitan siya't luwalhatiin siya! Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila: “Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga; yuyuko sa takot ang mga kaaway, dahilan sa taglay mong kapangyarihan. Ang lahat sa lupa ika'y sinasamba, awit ng papuri yaong kinakanta; ang iyong pangala'y pinupuri nila.” (Selah) Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan, ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.
Mga Awit 66:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kayong mga tao sa buong mundo, isigaw ninyo ang inyong papuri sa Dios nang may kagalakan. Umawit kayo ng mga papuri para sa kanya. Parangalan ninyo siya sa pamamagitan ng inyong mga awit. Sabihin ninyo sa kanya, “O Dios, kahanga-hanga ang inyong mga gawa! Dahil sa inyong dakilang kapangyarihan, luluhod ang inyong mga kaaway sa takot. Ang lahat ng tao sa buong mundo ay sasamba sa inyo na may awit ng papuri.” Halikayo at tingnan ang kahanga-hangang ginawa ng Dios para sa mga tao.
Mga Awit 66:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Magkaingay kayong may kagalakan sa Dios, buong lupa. Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan: paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya. Inyong sabihin sa Dios, napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa! Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo. Buong lupa ay sasamba sa iyo, at aawit sa iyo; sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah) Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios; siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao.
Mga Awit 66:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sumigaw sa galak ang mga nilalang! At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay! Awitan siya't luwalhatiin siya! Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila: “Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga; yuyuko sa takot ang mga kaaway, dahilan sa taglay mong kapangyarihan. Ang lahat sa lupa ika'y sinasamba, awit ng papuri yaong kinakanta; ang iyong pangala'y pinupuri nila.” (Selah) Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan, ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.
Mga Awit 66:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Magkaingay kayong may kagalakan sa Dios, buong lupa. Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan: Paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya. Inyong sabihin sa Dios, Napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa! Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo. Buong lupa ay sasamba sa iyo, At aawit sa iyo; Sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah) Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios; Siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao.