Magkaingay kayong may kagalakan sa Diyos, buong lupa; awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kanyang pangalan; gawin ninyong maluwalhati ang pagpupuri sa kanya! Inyong sabihin sa Diyos, “Kakilakilabot ang iyong mga gawa! Dahil sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan, ang iyong kaaway ay pakunwaring susunod sa iyo. Sasamba sa iyo ang buong mundo; aawit sila ng papuri sa iyo, aawit ng mga papuri sa pangalan mo.” (Selah) Halikayo at tingnan ang ginawa ng Diyos: siya'y kakilakilabot sa kanyang mga gawa sa gitna ng mga tao.
Basahin MGA AWIT 66
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 66:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas