Kami'y iyong itinakwil, O Diyos, kami ay nilupig, kami sana'y balikan mo kung ikaw man ay nagalit. Yaong lupang sinaktan mo'y nanginginig na lupain, bago lubos na mawasak, gamutin mo't pagalingin. Labis na ang paghihirap nitong iyong mga lingkod, lasing kami't langung-lango sa alak na iyong dulot. Silang mga sumasamba, O Diyos, iyong hinudyatan, upang sila'y makatakas sa kamay nitong kalaban. (Selah)
Basahin Mga Awit 60
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 60:1-4
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas