O Dios, itinakwil nʼyo kami at pinabayaang malupig. Nagalit kayo sa amin ngunit ngayon, manumbalik sana ang inyong kabutihan. Niyanig nʼyo ang kalupaan at pinagbitak-bitak, ngunit nakikiusap ako na ayusin nʼyo po dahil babagsak na ito. Kami na mga mamamayan nʼyo ay labis-labis nʼyong pinahirapan. Para nʼyo kaming nilasing sa alak, sumusuray-suray. Ngunit, para sa aming mga may takot sa inyo, nagtaas kayo ng bandila bilang palatandaan ng aming pagtitipon sa oras ng labanan.
Basahin Salmo 60
Makinig sa Salmo 60
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Salmo 60:1-4
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas